Krisis pampulitika at ekonomiya, hindi dapat ipagwalang bahala ng mamamayan -Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,571 total views

Hinimok ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga mananampalataya na manalangin, hubugin ang konsensya, at makibahagi sa mga gawaing nagtataguyod ng pagkakaisa at reporma bilang tugon sa kasalukuyang krisis pampulitika at pang-ekonomiya sa bansa.

Sa kanyang liham pastoral na may titulong na “Imploring the Aid of Almighty God” na may petsang May 31, 2026 kasabay ng Kapistahan ng Kabanal-banalang Santatlo, binigyang-diin nito ang lumalalang suliranin ng korapsyon, disimpormasyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at paghina ng pananagutan sa pamahalaan na patuloy na nakaaapekto sa buhay ng mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ayon kay Bishop Baylon, hindi maaaring ipagwalang-bahala ng mga mananampalataya ang mga hamong kinakaharap ng bansa at ng lokal na pamayanan, kabilang ang mga epekto ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya at pangkapayapaan.

“Today, however, we cannot fail to see how God’s will continues to be disregarded in public life. Graft and corruption grow in scale, systematic disinformation spreads widely, abuses of power are tolerated, and efforts to hold public officials accountable are diminished and resisted. As the gap between politics and public service widens, political reforms are not sustained, economic progress slows, and many of our people – especially the poor – are conditioned to depend on patronage and ayuda rather than being empowered to participate fully in their own development.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Baylon.

Nanawagan din ang punong pastol ng Diyosesis ng Legazpi ng mas malalim na paghubog ng konsensya ng mamamayan kaugnay ng mga mahahalagang usaping pambansa, kabilang ang mga proseso ng pananagutan sa mga opisyal ng gobyerno, mga kasong may kaugnayan sa karapatang pantao, at ang pagtatatag ng Truth Commission on Extrajudicial Killings.

“Let us form our consciences. As significant events unfold in our nation – including the proceedings of the Senate sitting as an impeachment court, the arrest and trial of individuals accused of crimes against humanity and of plunder, and the establishment of a Church-led Truth Commission on Extrajudicial Killings – let us seek the guidance of the Holy Spirit in discerning truth from falsehood, good from evil, and the right course of action from what merely serves partisan interests.” Ayon pa kay Bishop Baylon.

Hinikayat rin ni Bishop Baylon ang mga parokya, paaralan, at mga organisasyong Katoliko na makiisa sa mga programang pang-edukasyon at adbokasiya na nagtataguyod ng mabuting pamamahala at demokratikong reporma, kabilang ang pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkakawanggawa ay dapat samahan ng mga konkretong hakbang upang matugunan ang ugat ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa lipunan.

“Let us participate in works of solidarity and reform. In these difficult times, let us respond with charity and compassion toward those most affected by economic hardship and the continuing impact of Mayon’s volcanic activity. Among the concrete ways we may help are outreaches in evacuation centers, community pantries, livelihood support initiatives, and assistance in accessing government social services.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Samantala, hiniling din ni Bishop Baylon sa mga komisyon, paaralan, media ministry, at iba pang organisasyon ng diyosesis na magkaisa sa panalangin, pagninilay, paghubog, at makabuluhang pagkilos para sa ikabubuti ng pamayanan.

Ipinagkatiwala rin ng Obispo sa mapagkalingang pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Kaligtasan ang bansa, lalawigan ng Albay, at buong diyosesis habang patuloy na humihingi ng gabay at tulong ng Poong Maykapal sa gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,732 total views

 40,732 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,814 total views

 73,814 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 102,165 total views

 102,165 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,897 total views

 169,897 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 190,179 total views

 190,179 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top