Maglulunsad ng ‘Photo Exhibit of Eucharistic Miracles from Around the World’ ang St. Gregory the Great Cathedral Parish o Albay Cathedral bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo o Corpus Christi.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,292 total reads

Gaganapin ang pagbubukas ng photo exhibit sa Hunyo 7, 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa ganap na alas-8 ng umaga kung saan inaanyayahan ang lahat ng mga mananampalataya at mga peregrino na makibahagi.

Tampok sa photo exhibit ang mga pambihirang pangyayaring kinilala ng Simbahang Katolika bilang mga Eucharistic miracles na nagpapatibay sa pananampalataya ng mga mananampalataya sa Tunay na Presensya ni Hesukristo sa Banal na Eukaristiya.

“In celebration of the Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ (Corpus Christi), the parish community warmly invites everyone to the Launching of the Photo Exhibit of the Eucharistic Miracles from Around the World on June 7, 2026, during the 8:00am Holy Mass. It features extraordinary events recognized by the Church that strengthen our faith in the Real Presence of Jesus Christ in the Holy Eucharist. The exhibit will be available for viewing from June 7–29, 2026.” Bahagi ng paanyaya ng Albay Cathedral.

Layunin din ng exhibit na higit pang mapalalim ang debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Sakramento sa pamamagitan ng pagninilay sa mga tanda ng presensya ng Diyos na ipinakita sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Hinihikayat din ng pamunuan ng St. Gregory the Great Cathedral Parish o Albay Cathedral ang lahat na bisitahin ang nasabing photo exhibit at higit na mapalapit kay Hesus sa Banal na Sakramento sa pamamagitan ng mga himalang kinikilala ng Simbahan bilang patunay ng Kanyang tunay na presensya sa Eukaristiya.

“Come and witness these signs of God’s presence and let them draw us closer to Jesus in the Blessed Sacrament.” Dagdag pa ng pamunuan ng Albay Cathedral.

Bukas sa publiko ang photo exhibit mula Hunyo 7 hanggang 29, 2026 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto, peregrino, at iba pang bisita na makita at mapagnilayan ang mga patotoo ng pananampalataya kaugnay ng Banal na Eukaristiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,499 total reads

 34,499 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,106 total reads

 85,106 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,977 total reads

 132,977 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,925 total reads

 236,925 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,270 total reads

 321,270 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top