Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 82,820 total reads

Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung hindi natin sila mapabilang sa ating education system, hindi makatarungan ang ating gawain.

Ang edukasyon ay isa sa ating mga pangunahing karapatan. Susi ito sa pag-unlad ng isang bansa. Ang pagkakaroon ng inklusibong edukasyon ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagtiyak na ang bawat Pilipino, anuman ang kanilang kalagayan o kakayahan, ay nagkakaroon ng patas na pagkakataon upang matuto at magtagumpay. Ang inklusibong edukasyon ay naglalayong tanggalin ang mga hadlang na pumipigil sa pag-aaral ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pangangailangan.

Isa sa pinaka-malaking hamon, kapanalig ng inclusive education sa ating bansa ay ang pagkakaroon ng abot kayang programa para sa mga disabled children. Dito matingkad, halimbawa, ang mga pangangailangan ng mga batang nasa autism spectrum sa ating bayan. Napakalaking halaga ang kailangan, lalo ng mga maralitang pamilya, na tustusan ang kanilang pangangailangang pang-edukasyonal. Mula sa diagnosis pa lamang, marami na ang nangangapa, paano pa kaya nila mahihimay ang iba pang therapies o activities na kailangan para makapasok at makagamit sa pasilidad at program na akma sa kanila?

Isang entry-point na maari sana nating patatagin, kapanalig, ay ang early childhood care and education, lalo na sa mga bulnerableng bata. Kailangang nating magtaguyod sa barangay level o community level ng mga child care centers kung saan ang bawat mag-aaral ay nararamdaman na sila ay bahagi ng isang komunidad na nagmamalasakit at tumatanggap sa kanila. Malawakang training ang kailangan dito, at kailangang tiyakin na tunay na naabot ang maralita dahil hindi nila kakayanin ang presyo at kahit logistics pa ng mga therapies at activities na available ngayon para sa mga batang may mga disabilities.

Kailangan natin pag-diinan dito kapanalig, ang komunidad dahil ang tagumpay ng inklusibong edukasyon ay nakasalalay sa pagtutulungan ng buong pamayanan. Ang mga magulang, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders ay dapat na magtulungan upang masiguro na ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ay natutugunan. Hindi lamang resources at infrastructure ang kailangan, kailangan ang pakialam, kaalaman, at pagmamahal dahil malakas ang stigma laban sa mga may kapansanan, kulang sa pagsasanay ang mga guro, at hirap ang lito ang mga kaanak at magulang.

Angkop sa puntong ito ang paalala ng Populorum Progressio, na bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Minsan, ang makatarungang buhay ay tila ilusyon dahil sa hirap ng buhay na dinadanas ng mga mamamayan. Pero pag may mas maayos na edukasyon, kapag may oportunidad, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na “to do more, know more and have more in order to be more.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,015 total reads

 19,015 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,287 total reads

 19,287 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,242 total reads

 41,242 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,695 total reads

 162,695 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,057 total reads

 213,057 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,114 total reads

 340,114 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,473 total reads

 423,473 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 41,243 total reads

 41,243 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,696 total reads

 162,696 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,058 total reads

 213,058 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,115 total reads

 340,115 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top