Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 88,019 total views

Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride.

Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una, ito ay nagbibigay ng pisikal na kalakasan at kalusugan. Sa pamamagitan ng sports, naiiwasan ng kabataan ang mga sakit na dulot ng sedentary lifestyle, na kay hirap iwasan ngayon dahil sa tukso ng social media, internet, at mga gadgets.

Ang sports ay nagpapaunlad din ng karakter. Tumutulong ito sa paghubog ng disiplina. Ang sports ay nagtuturo ng mahahalagang ugali sa buhay gaya ng teamwork, leadership, at perseverance. Ang mga kabataang naglalaro ng sports ay madalas na nagiging mas responsable, disiplinado, at may mataas na self-esteem.

Isa rin itong paraan upang matuto ang kabataan na magmahal, makiisa, at makisama. Sa pamamagitan ng sports, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makakilala ng mga bagong kaibigan at makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaintindihan sa komunidad.

Ang sports ay nagdadala rin ng mas maraming oportunidad upang mas ma-improve ng kabataan hindi lamang ang kanilang galing sa laro, kundi pati sa iba pang kasanayan na magpapalawak pa ng kanilang experience, kasanayan, at kamalayan. Isang ehemplo ay ang pagbibigay ng maraming paaralan at unibersidad sa Pilipinas ng mga scholarship sa mga mag-aaral na magaling sa sports. Ang ganitong oportunidad ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na magkaroon ng magandang edukasyon habang tinutuloy ang kanilang passion sa sports.

Ang sports din ay larangan ng mga bayani, na nagiging inspirasyon ng maraming mga kabataan na magsumikap pa sa buhay. Ang mga ehemplo gaya ni Manny Pacquiao sa boxing at Hidilyn Diaz sa weightlifting ay nagsisilbing huwaran sa kabataan. Naiiwas sila sa masasamang bisyo at nagiging abala sa sports na nagbibigay ng positibong alternatibo at layunin sa kanilang buhay.

Maganda sana na mabigyan ng mas malaking budget ang sports sa bayan, para maging mas inclusive at malawig ang programa nito. Mas maraming mga kabataan sa probinsiya at mga marginalized populaitons ang makikinabang kapag ginawa natin ito. Sa ngayon, tinatayang nasa 0. 04% lang ng national budget ang ang budget para sa Philippine Sports Commission. Ang Gaudium et Spes, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, ay nagpapa-alala sa atin na dapat lahat tayo ay may access sa lahat ng kailangan natin para sa genuine o tunay na makatao at makatarungang buhay. Ang sports ay isa sa mga serbisyo na makakatulong sa ating kabataan na maabot ang kanilang potensyal at kaganapan bilang taong nilikha sa anyo ng Diyos, kaya sana suportahan natin ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 23,925 total views

 23,925 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 47,710 total views

 47,710 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 59,946 total views

 59,945 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,585 total views

 245,585 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,453 total views

 275,453 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 15,976 total views

 15,976 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Kaunlarang may katarungan

 23,928 total views

 23,928 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 47,713 total views

 47,713 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 59,948 total views

 59,948 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 245,587 total views

 245,587 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 275,456 total views

 275,456 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Pulitika para sa pamilya?

 257,357 total views

 257,357 total views Mga Kapanalig, pabor ka bang ipagbawal na ang mga political dynasties? Sa survey na ginawa ng Pulse Asia isang linggo bago mag-Pasko, lumabas

Read More »

Mga “big fish” naman

 316,381 total views

 316,381 total views Mga Kapanalig, tinanggihan ng Senado ang kahilingan ng mga isinasangkot sa flood control scandal na pansamantalang makalaya para makapagdiwang ng Pasko kapiling ang

Read More »

Habag para sa lahat

 347,151 total views

 347,151 total views Mga Kapanalig, bago mag-Pasko, pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Regional Trial Court at Court of Appeals na hatulang guilty ang tatlong

Read More »

Project SAFE laban sa OSAEC

 359,130 total views

 359,130 total views Mga Kapanalig, ipinagdiwang ng ating Simbahan kahapon ang Kapistahan ng Niños Inocentes. Araw iyon para gunitain ang pagiging martir ng mga sanggol na

Read More »

Move people, not cars

 394,795 total views

 394,795 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »
Scroll to Top