Tuloy ang laban ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 386,131 total reads

Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo! 

Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac, Palawan matapos mapawalang-sala sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Sinampahan siya ng cyberlibel ni Hamidon Monsarapa, ang Indigenous Peoples Mandatory Representative sa bayan ng Balabac, kaugnay ng mga kritisismo ni Angelica laban sa kanya. Kinuwestyon kasi ni Angelica ang pagpanig ng kanilang kinatawan sa mga korporasyong patuloy na nanggigipit sa mga katutubo sa isla. 

Matagal na ang laban nina Angelica, kasama ang grupong Balik-Bugsuk Movement, para sa kanilang lupaing-ninuno o ancestral land. Ang Bugsuk ay malaparaisong isla sa bayan ng Balabac kung saan itinuturing ang ilang bahagi na lupaing-ninuno ng mga katutubong Molbog at Pala’wan. Panahon ng Martial Law nang umpisahan ng mga cronies ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos ang mga negosyo sa isla katulad ng isang pearl farm. Nauwi ito sa pag-relocate ng libu-libong residente ng isla, kasama ang mga katutubo, sa ibang barangay ng Balabac. Matapos ang diktadurya, itinatag ang Balik-Bugsuk Movement at nakabalik ang ilang residente sa isla. Gayunpaman, hindi nahinto ang negosyo ng mga korporasyon sa Bugsuk. 

Nanatiling nakabinbin sa National Commission on Indigenous Peoples (o NCIP) ang aplikasyon ng mga katutubo para sa kanilang Certificate of Ancestral Domain Title. Tinanggal din kamakailan ang kanilang lupa sa Comprehensive Agrarian Reform Program. Nitong mga nakaraang taon, sumugod ang mga armadong lalaki sa isla para paalisin ang mga katutubo. Ayon sa mga katutubo, mga tauhan ng Bricktree Properties, isang subsidiary ng San Miguel Corporation, ang nagsimula ng gulo. May itinatayong tourism area ang naturang korporasyon sa isla.

Ito ang dahilan kung bakit pinapanagot ni Angelica ang kanilang IP representative. Sa kasamaang palad, kinasuhan pa si Angelica ng kanilang kinatawan. Mabuti na lang at pumanig kay Angelica ang korte. Ayon sa korte, kinikilala nito na kumilos si Angelica “in good faith”; ibig sabihin, malinis ang kanyang intensyon at hindi niya hangad na siraan lang ang IP leader. Dagdag pa ng korte, lehitimo at rasonable ang hangarin ni Angelica na ipagtanggol ang kanilang lupaing-ninuno at bantayan ang ginagawa ng kapwa-katutubo niyang kumakatawan sa kanila sa mga pag-uusap sa gobyerno at iba pang institusyon. 

Mahalaga para sa ating Simbahan ang pakikilahok natin sa buhay ng ating komunidad at lipunan. Ang pakikilahok ay tungkulin ng bawat tao, lalo pa para sa pagtataguyod ng common good o kabutihang panlahat. Hindi magiging posible ang pagkamit ng kabutihang panlahat kung wala tayong pakialam sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pakikilahok, itinutulak ng tinatawag na political charity ang pagmamahal natin para sa kabutihang panlahat. Sa pakikilahok, nagiging ganap tayong tao dahil nagiging kabahagi tayo ng buhay ng isa’t isa. 

Hindi naging madali ang pakikilahok ni Angelica sa mga usaping may kinalaman sa kanilang mga katutubo. Kinasuhan siya. Ginipit ang mga kapwa-katutubo niya. Pero sa naging desisyon ng korte sa kaso ni Angelica, nakita natin ang kahalagahan ng pagpupursiging makilahok. Hindi maling panagutin ang ating mga kinatawan at walang dapat ikatakot sa pagsasalita. Sa kasalukuyan, may kinakaharap pang mga kaso ang mga taga-Bugsuk pero patuloy na lumalaban ang mga katutubo para sa kanilang mga karapatan. 

Mga Kapanalig, paalala sa 1 Tesalonica 5:11, “Palakasin ninyo ang loob ng isa’t isa at magtulungan kayo.” Sa gitna ng patuloy na panggigipit sa mga kapatid nating katutubo, nawa’y makalahok din tayo sa kanilang laban—magsalita kasama nila, ipaalam sa iba ang kanilang ipinaglalaban, at patuloy na ipagdasal ang kanilang kalusugan at katatagan hanggang payapa silang makabalik sa isla ng Bugsuk.

Sumainyo ang katotohanan.   

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,653 total reads

 21,653 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,813 total reads

 102,813 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,262 total reads

 136,262 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,560 total reads

 171,560 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,379 total reads

 397,379 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 21,654 total reads

 21,654 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,814 total reads

 102,814 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,263 total reads

 136,263 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,561 total reads

 171,561 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top