104-item na request for admission ng prosekusyon, hindi na kailangang sagutin ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,431 total reads

Hindi na kailangang sagutin ni Vice President Sara Duterte ang 104-item Request for Admission ng House prosecution sa impeachment trial.

Ito ang naging ruling ng Senate Impeachment Court matapos tumutol ang kampo ni Duterte sa kahilingan ng prosecution na ipaamin sa kanya ang ilang bagay tungkol sa kanyang personal na kalagayan, mga dating posisyon sa gobyerno, negosyo ng kanyang asawang si Manases Carpio, at ilang BIR at bank records.

Ayon sa impeachment court, hindi maaaring gamitin ang Rule 26 ng Rules of Civil Procedure para pilitin si Duterte na magbigay ng sagot na maaaring gamitin laban sa kanya.

Binigyang-diin ng korte na nananatiling protektado sa impeachment proceedings ang constitutional right laban sa self-incrimination.

“While the Impeachment Court welcomes the Prosecution’s desire to narrow the issues for trial, identify matters genuinely in dispute, and avoid unnecessary proof of uncontroverted matters, any such measure to expedite the proceedings must always yield to the protection of the substantial rights of the Respondent under the Constitution,” ayon pa sa desisyon.

Nilinaw din ng korte na hindi maaaring gamitin ang naturang request para ilipat sa respondent ang tungkuling magpatunay sa mga alegasyon. Kundi ay nasa prosecution pa rin ang burden of proof at kailangan nitong magharap ng sapat at wastong ebidensya.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng korte ang hiling na tuluyang burahin ang Request for Admission. Mananatili ito sa rekord ng impeachment proceedings, kasama ang objection at ruling ng korte, ngunit wala itong evidentiary o prejudicial effect laban kay Duterte.

“HOWEVER, her prayer to expunge the Request is DENIED. The Request, the Objection, and this ruling shall remain in the record as part of the proceedings, but the Request for Admission shall have no evidentiary or prejudicial effect against Respondent.”

Noong Setyembre 28, sinabi rin ng prosecution na handa nitong bawiin ang request at sa halip ay humingi ng mga bagay na maaaring pagkaisahan ng magkabilang panig.

Una na ring inihain ni Prosecutor Rep. Manuel Diokno ang ‘Request for Admission’ na layuning mapaigsi ang paglilitis.

Ang Request for Admission ay pormal na kahilingan ng isang panig sa kaso na aminin o kumpirmahin ng kabilang panig kung totoo ang ilang dokumento, para hindi na kailangang patunayan pa ang mga ito sa paglilitis.

Sa kaso ni VP Sara Duterte, sinabi ng impeachment court na hindi siya maaaring piliting sagutin ito dahil sa kanyang karapatan laban sa self-incrimination.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,414 total reads

 22,414 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,532 total reads

 103,532 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,981 total reads

 136,981 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,279 total reads

 172,279 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,042 total reads

 398,042 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 14,307 total reads

 14,307 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top