Local at community ownership, kailangan sa pagpapaunlad ng edukasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,760 total reads

Nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ipagpatuloy at gawing pangmatagalan ang mga reporma sa edukasyon, anuman ang pagbabago sa mga administrasyon at pamumuno ng pamahalaan.

Ito ang mensahe ni Sister Aileen Bonifacio, SPC, Executive Vice-President ng St. Paul University Quezon City, na kumatawan sa CEAP sa Education Governance Forum ng The Asia Foundation na may temang “The Next Two Years: Securing the Philippines’ Education Gains,” na ginanap ngayong linggo sa Makati City.

Binigyang-diin sa forum ang pangangailangang maisama sa mga institusyon ang kasalukuyang mga reporma kahit magkaroon ng pagbabago sa political at administrative leadership.

Iginiit ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA secretary Francisco “Kiko” Benitez na dapat maging higit sa isang administrasyon ang reporma sa edukasyon at maiwasan ang paulit-ulit na panandaliang solusyon.

“Presidents change, secretaries change, leaders change. An education must be bigger than any administration. Habang hindi natin kayang lutasin sa loob ng natitirang dalawang taon ang mga structural problems na ilang dekada nang naipon, maaari nating gamitin ang panahong ito para putulin ang cycle ng short-term solutions. Maaari nating ilatag ang pundasyon para sa 10-year National Education and Workforce Development Plan,” ayon sa mensahe ni Benitez.

Iginiit naman ni Congressman Jude Acidre, Co-Chairperson ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, na mas mahaba ang panahon ng pangangailangan sa edukasyon kaysa sa termino ng mga halal na opisyal.

Binigyang halimbawa niya ang isang batang magsisimula ng kindergarten ngayong 2026 na inaasahang magtatapos ng senior high school pagsapit ng 2039, na sasaklaw sa ilang Kongreso at presidential administrations.

Tinalakay rin sa forum ang kahalagahan ng local at community ownership, kung saan dapat magkaroon ng sapat na espasyo ang mga paaralan at lokal na pamahalaan na tumugon sa kanilang partikular na kalagayan, habang nakikilahok ang mga komunidad at benepisyaryo sa pagpapatupad ng mga reporma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,860 total reads

 20,860 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,062 total reads

 102,062 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,511 total reads

 135,511 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,809 total reads

 170,809 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,655 total reads

 396,655 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top