Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435,625 total reads

Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso.

Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng death penalty sa Indonesia noong 2010. Natagpuan kasi sa bagaheng ipinadala sa kanya ang mahigit dalawang kilong droga. Mabigat ang kaparusahan ng Indonesia sa mga nagpapasok doon ng ipinagbabawal na gamot, at sa kabila ng ilang apela ng ating gobyerno na baguhin ang desisyon ng korte, nanindigan ang Indonesia na parusahan si Mary Jane. 

Pero sa pakiusap ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nagkaroon ng moratorium sa pagsasakatuparan ng death penalty hanggang matapos ang termino ng presidente ng Indonesia noon na si Susilo Bambang Yudhono. Nang manungkulan ang bagong pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo, inalis ang moratorium at kasama si Mary Jane sa mga ipipila sa firing squad. Hindi tumigil ang administrasyon ni PNoy. Sa kanyang pakiusap muli at pangakong tutulong sa pagsugpo sa mga drug syndicates sa rehiyon, nakaligtas si Mary Jane sa death penalty. Sumuko rin noon ang recruiter niya.

Nangamba ang publiko para kay Mary Jane nang sabihin ng bagong upong si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat igalang ang desisyon ni Indonesian President Widodo. Alam naman nating walang human rights para sa dati nating presidente na nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court. Taóng 2020, nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang mga recruiters ni Mary Jane.

Sa pag-upo naman ng bagong presidente ng Indonesia, nagkaroon ulit ng negosasyon ang ating gobyerno sa pamamagitan na ni Pangulong BBM. Humantong ito sa pagbabalik-bansa ni Mary Jane noong 2024, bagamat ikinulong siya sa Correctional Institution for Women habang pinag-aaralan ang mga hakbang na gagawin hinggil sa kaso niya. At noong isang linggo nga, inanunsyo ni PBBM ang paggagawad niya ng absolute pardon kay Mary Jane. Ibinabalik kay Mary Jane ang lahat ng kanyang mga karapatan, unang-una na rito ang kanyang kalayaan.  

Ang kuwento ni Mary Jane ay ang kuwento rin ng marami nating kababayang naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang pamilya, pero pinagsasamantalahan ng mga kapwa nating sariling kapakanan lang ang iniisip. Kuwento rin ito ng mahihirap nating kapatid na nagdurusa sa mga bilangguan dahil sa mabagal na paggulong ng kanilang mga kaso, samantalang ang mga makapangyarihan at maimpluwensya na may ginawang mabigat na krimen ay hindi man lang nakararanas sa maghimas ng malamig na rehas.

Sa huli, ang kaso ni Mary Jane ay hindi lamang isang legal na isyu. Hindi lamang ito tungkol sa pagpaparusa alinsunod sa mga batas. Isang pagsubok ito kung pinoprotektahan ba ng lipunan ang mahihirap at mahihina upang hindi sila mapagbagsakan ng mga batas na hindi nila kayang unawain o takasan—lalo na kapag parusang kamatayan na ang ipinapataw na kaparusahan. Tandaan nating isa sa mga pinahahalagahang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan ay ang pagkiling sa mahihirap—hindi dahil kailangan nila ng special treatment kundi bilang tugon sa kanilang kahinaan at kawalan ng kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa loob ng sistemang legal.

Nahuli si Mary Jane noong 25 taóng gulang siya; mahigit 40 anyos na siya sa kanyang paglabas. Anong uring proteksyon ang ibinibigay ng ating lipunan sa mga katulad niya? Anong uring katarungan ang umiiral sa ating lipunan? Paano natin pinahahalagahan ang dignidad ng mga bilanggo? Ang mahabang panahon ng pagkakakulong kay Mary Jane ay isang sagot sa mga tanong na ito. 

Mga Kapanalig, tandaan natin ang mga salitang ito sa Isaias 10:1-2: “Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan [at] upang alisan ng karapatan ang mahihirap.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,588 total reads

 20,588 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,801 total reads

 101,801 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,250 total reads

 135,250 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,548 total reads

 170,548 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,407 total reads

 396,407 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 20,590 total reads

 20,590 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,803 total reads

 101,803 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,252 total reads

 135,252 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,550 total reads

 170,550 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top