Obispo at Pari, hinimok na palakasin ang migrant ministry sa mga diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

Hinimok ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mga obispo at pari na higit pang palakasin ang migrant ministry sa mga diyosesis at parokya, kasabay ng pagpapatibay ng pakikipagtulungan ng Simbahang Katolika sa pamahalaan para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs, mga migante at ng kanilang pamilya.

Sa pagdiriwang ng 40th National Migrants Sunday, sinabi ni Bishop Mesiona na patuloy na malaking hamon sa Simbahan ang lawak ng migration ng mga Pilipino, kaya mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan na may sapat na resources upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

“It is always a continuing phenomenon, a reality that we have to face bilang isang simbahan. Kaya ako po’y nananawagan sa mga kapwa ko obispo at mga kaparian na sana’y paigtingin at palakasin ang ministry ng migrants,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radyo Veritas.

Ito rin ang pahayag ng obispo na kasalukuyang chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples o CBCP ECMI, sa paglagda sa memorandum of agreement kasama ang Overseas Workers Welfare Administration, Department of Migrant Workers, at Commission on Filipinos Overseas, na ginanap sa Arnold Janssen Hall ng Christ the King Seminary sa Quezon City nitong September 26.

Binigyang-diin ng obispo na hindi kayang tugunan ng Simbahan lamang ang malawak na pangangailangan ng mga migranteng Pilipino.

“Kaya kailangan natin ang tulong ng ating gobyerno; sila po ang may kakayahan; sila po ang may resources. Kaya maganda ito dahil tulong-tulong tayo ng simbahan at ng gobyerno para tugunan ang sitwasyon ng ating mga kapwa migranteng Pilipino,” dagdag pa ng obispo.

Hinimok ni Bishop Mesiona ang Simbahan na patuloy na makipag-ugnayan hindi lamang sa mga lokal na komunidad kundi maging sa mga simbahan sa ibang bansa na tumatanggap at kumakalinga sa mga migranteng Pilipino at mga seafarer.

Ayon sa obispo, mahalagang magkaroon ng koordinasyon sa mga Filipino chaplain, volunteers at receiving churches upang matiyak na may pastoral na presensya at suporta ang mga Pilipino habang nasa ibang bansa.

Ayon naman kay OWWA Deputy Administrator Atty. Jasmine Gapatan, mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga parokya at migrant ministries dahil sila ang madalas na unang nilalapitan ng mga OFW at ng kanilang pamilya kapag nangangailangan ng gabay at suporta.

“Kayo po ang madalas na unang nakakarinig ng kanilang kuwento at ng kanilang pinagdaraanan. Kayo rin po ang isa sa mga unang nilalapitan ng ating mga OFW at ng kanilang mga pamilya kapag kailangan nila ng gabay, suporta, at may kailangan silang kausapin,” aniya.

Layunin ng partnership na mapabilis ang pag-uugnay ng mga OFW at kanilang pamilya sa mga serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng information sharing, case referral, coordination, at intervention.

Iginiit ni Gapatan na hindi dapat manatili sa papel lamang ang kasunduan kundi dapat itong magbunga ng konkretong serbisyo para sa mga migranteng manggagawa.

“Hindi lamang po isang kasunduang nakasulat sa papel, kundi isang partnership na nararamdaman sa aktwal na serbisyo,” pahayag pa ni Gapatan.

Naniniwala naman si Department of Migrant Workers Undersecretary Atty. Bernard Olalia, mahalaga ang pagtutulungan sa paglilingap sa mga pangangailangan ng mga migrante, kabilang ang mga seafarers at OFWs.

“It should be a whole-of-government approach and a whole-of-society approach,” pahayag ni Olalia.

Samantala, sinabi ni Commission on Filipinos Overseas Secretary Dante Ang II na sa pamamagitan ng kasunduan ay mas mailalapit sa mga Filipino overseas ang mga programa, serbisyo, impormasyon at mga adbokasiya ng pamahalaan sa kanilang sektor.

Kabilang dito ang financial literacy, cultural formation, mga oportunidad para sa pakikibahagi ng mga Pilipino sa ibang bansa sa community development, at mga mekanismo para sa proteksyon laban sa human trafficking.

Bukod sa kasunduan ng CBCP ECMI sa mga ahensya ng pamahalaan, ay makikipagtulungan din ang komisyon sa Santo Catholic Mission, Emmanuel (God-with-us) Television Network Philippines (ETVN), at Safe Schools Philippines upang mas mapalawak pa ang misyon nitong paglingkuran ang mga sektor ng mga migrante, OFW, at seafarers, at ang kanilang mga pamilya.

Bago ang programa, pinangunahan ni Bishop Mesiona ang banal na misa sa Diocesan Shrine of the Divine Word, kasama si Bishop Napoleon Sipalay, Jr. ng Alaminos, mga pari ng SVD, at mga paring naglilingkod sa migrant ministries.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Even Just One of These Children’ kung saan tampok dito ang Gawad Parokyang Lingkod OFW mula sa Luzon region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 35,866 total reads

 35,866 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 57,956 total reads

 57,956 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 157,773 total reads

 157,773 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 191,100 total reads

 191,100 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 222,547 total reads

 222,547 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top