Nalulugi ang transportasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,003 total reads

Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel!

Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na alisin ang suspensyon sa fare hike dahil “dumudugo” na ang kanilang industriya. Anila, umaabot na sa 45% hanggang 60% ng kanilang operating costs ang napupunta sa pagpapagasolina.

Noong Marso, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (o LTFRB) ang provisional fare increase para sa mga pampublikong transportasyon. Pero bago pa ito maipatupad, ipinahinto ito ni Pangulong Bongbong Marcos habang nagpapatuloy ang giyera sa Middle East.

Ngayon, nananawagan na ang mga bus operators na alisin na ang suspensyon na ito. Lumalaki na rin kasi ang iba pa nilang gastusin gaya ng modernization loans, spare parts, maintenance, insurance, toll fees, at iba pang regulatory requirements. Dagdag pa sa mgma ito ang inaasahang pagtaas ng sahod ng kanilang mga empleyado. Nauunawaan nila na makaaapekto sa mga mananakay ang pagtaas ng pamasahe. Pero katwiran nila, kung hindi sasabay ang pamasahe sa operations costs nila, maaaring umabot sa puntong hindi na makapagbibiyahe ang mga bus nang ligtas at maayos. Baka mawalan din ng trabaho ang mga driver, konduktor, mekaniko, at iba pa.

Hindi simpleng usapin ang taas-pasahe. Totoong may pinagdaraanan ang mga operators at drivers. Totoo ring naghihigpit ng sinturon ang mga pasahero.

Hindi lamang mga bus operators ang nananawagan ng fare hike. Nagpaplano ng pambansang welga ang grupong PISTON at Manibela dahil sa kalagayan ng sektor ng transportasyon. Hinihiling din nilang tanggalin ang mga buwis sa langis, pagbaba ng presyo ng krudo, at pagrepaso sa Oil Deregulation Law, na nagbibigay sa mga kumpanya ng langis ng malaking kalayaan sa pagtatakda ng presyo.

Ayon naman sa gobyerno, “last resort” na ang taas-pamasahe. Patuloy nitong sinusuportahan ang mga PUV sa pamamagitan ng fuel discounts at iba pang ayuda. Mas pabor ang gobyerno sa tinatawag na targeted subsidies para sa mga sektor na higit na nangangailangan kaysa sa malawakang pagtanggal ng excise tax sa diesel at gasolina. Ayon sa Department of Finance, maaari kasing mawalan ang pamahalaan ng humigit-kumulang 12 bilyong piso na kita bawat buwan kung sususpindihin ang buwis sa petrolyo.

Sa gitna ng magkakaibang panawagang ito, ano ang nais ng Simbahan na magsilbing gabay natin?

Paalala sa atin ng 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Ipinaaalala sa mga salitang ito ang prinsipyo ng solidarity—magkakaugnay ang ating buhay at may pananagutan tayo sa isa’t isa. Kapag nahihirapan ang mga operators, apektado ang mga pasahero. Kapag hiráp ang mga pasahero sa mas mataas na pamasahe, apektado rin ang kabuhayan ng mga drivers at operators.

Ang hamon sa gobyerno ay tiyaking hindi sa isang sektor lamang mapupunta ang bigat ng krisis. Kailangang timbangin ang pangangailangan ng mga operators at drivers na mapanatili ang kanilang serbisyo at kabuhayan, gayundin ang kakayahan ng mga ordinaryong mamamayan na tustusan ang mga pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ito ang diwa ng common good, ang panlipunang kapakanan at kaunlaran ng buong komunidad. Kaakibat dito ay ang patuloy na panawagan para sa pagtatapos ng digmaan sa Middle East at suporta sa makatarungang peace process.

Mga Kapanalig, wala pang malinaw na katapusan ang oil crisis, pero malinaw na hindi lamang ito problema ng mga bus operators, jeepney drivers, at mga commuters. Problema ito ng lahat dahil magkakaugnay ang ating buhay at kabuhayan. Nawa’y magkaroon ng karunungan ang ating mga pinuno para makahanap ng tugon na makatarungan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng lahat. Dapat tandaan ng pamahalaan: ang tao ang dapat manatiling sentro ng bawat tugon sa krisis.

Sumainyo ang katotohanan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 11,906 total reads

 11,906 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 14,527 total reads

 14,527 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 14,039 total reads

 14,039 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 1,006 total reads

 1,006 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 32,043 total reads

 32,043 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 80,308 total reads

 80,308 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 102,398 total reads

 102,398 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 202,178 total reads

 202,178 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaya na si Mary Jane

 32,044 total reads

 32,044 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 102,399 total reads

 102,399 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 202,179 total reads

 202,179 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »
Scroll to Top