Sumuporta sa mga Pilipinong mangingisda at frontliner sa WPS, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,108 total reads

Kinikilala ng Atin Ito Coalition ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na nagpamalas ng suporta sa mga Pilipinong mangingisda at iba pang frontliner sa West Philippine Sea.

Nanawagan din ang grupo sa mas matibay na suporta at proteksiyon sa kanilang kabuhayan, karapatan at kaligtasan.

Isinagawa ito ngayong Lunes sa Quezon City na pinamagatang “West Philippine Sea: Mana Natin: The State and Legacy of Filipino Fishers and Those Who Stand With Them,” bilang bahagi ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo kung saan naging katuwang ang Center for Information Resilience and Integrity Studies o CIRIS.

Sa gawain ay kinilala sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang mga opisyal at kinatawan ng Quezon City, Pasig, Bulacan, San Jose del Monte, Zamboanga City, Navotas at Cebu, kabilang ang mga lokal na pamahalaang nagpasa ng mga resolusyon na nagdedeklara sa July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day kung saan una ng iniulat na kabilang sa mga LGU na nagpatibay ng naturang paggunita ang Quezon City at Cebu City.

Binigyang-diin ni Atin Ito co-convenor at Akbayan President Rafaela David ang kahalagahan ng paninindigan ng mga LGU, dahil aniya, hindi lamang pambansang pamahalaan ang may tungkuling kumilala at magtanggol sa karagatan, kundi maging ang mga komunidad at lokal na pamahalaang direktang nakatindig kasama ng mga mangingisda.

“Mahalaga ang paninindigan ng ating mga LGU dahil ipinapakita nitong hindi lamang national government ang kumikilala at nagtatanggol sa ating karagatan. Kasama rito ang mga komunidad at lokal na pamahalaan na direktang nakatindig kasama ng ating mga mangingisda,” ayon sa mensahe ni David na pinadala ng ATIN ITO! sa Radyo Veritas.

Samantala, itinampok sa forum ang mga totoong hamon ng mga fisherfolk sa West Philippine Sea, kabilang ang nalimitihang access sa tradisyunal na fishing grounds, kawalan ng katiyakan sa kabuhayan, tumataas na gastos sa pangingisda at pangamba sa kanilang kaligtasan.

Ayon pa kay Atin Ito co-convenor Edicio Dela Torre, hindi sapat na kilalanin lamang ang mga mangingisda bilang mga frontliner, kundi kailangan silang suportahan at protektahan mula sa kanilang kabuhayan hanggang sa kanilang kaligtasan sa dagat.

““Hindi sapat ang pagkilala sa mga mangingisda bilang mga frontliner. Kailangan silang suportahan at protektahan, mula sa kanilang kabuhayan hanggang sa kanilang kaligtasan sa dagat. Kung nais nating maging makabuluhan ang pagtatanggol sa West Philippine Sea, dapat ramdam ito ng mga Pilipinong araw-araw na pumapalaot at naghahanapbuhay dito,” ayon naman sa mensahe ni Dela Torre na pinadala sa Radyo Veritas.

Sa forum, ibinahagi rin pa ng mga lider-mangingisda mula Masinloc, Subic, Bataan at iba pang komunidad ang kanilang mga karanasan, habang tinalakay naman ni Fisheries Resources Management Division Chief Roy Ortega, na kumatawan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang panukalang 2027 budget ng ahensiya para tugunan ang mga hamon sa sektor ng pangisdaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,670 total reads

 21,670 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,829 total reads

 102,829 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,278 total reads

 136,278 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,576 total reads

 171,576 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,394 total reads

 397,394 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top