VP Sara at asawa, may 51-baril

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,349 total reads

Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Ito ang naging tampok sa Day 30 ng impeachment trial ni Vice President Duterte.

Ayon sa testigong si PMaj. Joericson Sanggalang ng PNP Firearms and Explosives Office, ang mga baril ay nagkakahalaga ng higit sa pitong milyong piso base na rin sa market value survey.

Si VP Duterte ay may 22, kabilang ang 14 ng pistol, 2 revolver, limang rifle at isang shotgun.

Habang si Atty. Carpio ay may 29 na baril. Kasama na rito ang 16 na pistol, 2 revolver, 10 rifle, at isang baril na expired ang lisensya.

Ayon pa sa testigong si PMaj. Sanggalang sa 15 riple, kabilang din sa pag-aari ng mag-asawa ang class A light weapon na may fully automatic functions- karaniwang ginagamit ng mga pulis.

“Ibig sabihin po nito, ’pag kinalabit po natin iyong gatilyo, sunud-sunod na po iyong puputok,” ayon kay Sanggalang.

Kinumpirma rin ni Sangalang sa korte na ang Type 5 license sa pag-aari ng baril ay walang limit ang bilang hangga’t legal ang mga baril at maayos na nakarehistro.

“Yes po. Hangga’t hindi po siya pumapasok sa Class A light weapons, ay maaari po silang magkaroon basta po LTOPF Type 5 po sila. Wala pong limitation as long as naka-register po ito palagi,” ayon sa opisyal sa pagtatanong ni Senator-Judge Raffy Tulfo.

Nanawagan din si Senator Tulfo ng mas malinaw na deklarasyon ng mga baril sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng pamahalaan.

Iminungkahi din ni Tulfo na isa-isang ilista ang mga baril sa SALN sa halip na isama lamang ang mga ito sa pangkalahatang kategorya ng personal na ari-arian.

Samantala, inaasahan bukas araw ng Martes at sa Miyerkules (SEpt 29 at 30) ay haharap sa Senate Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian Duterte bilang testigo sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Ito ay makaraang aprubahan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero ang kahilingan ni Mayor Duterte na bigyan siya ng karagdagang panahon upang tipunin, ayusin at ihanda ang mga dokumentong saklaw ng subpoena.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,284 total reads

 39,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,991 total reads

 74,991 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,261 total reads

 301,261 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,729 total reads

 194,729 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,649 total reads

 286,649 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,562 total reads

 6,562 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top