National historical marker, ipinagkaloob ng NHCP sa Kumbentong Agustino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,246 total reads

Tiniyak ng Salesians of Don Bosco sa Mandaluyong City na paiigtingin ang pangangalaga sa mga gusaling may natatanging ambag sa mayamang kultura at kasaysayan ng Simbahan at ng bansa.

Ito ang ibinahagi ni Fr. Bernard Nolasco, SDB, rector ng Kumbentong Agustino ng Mandaluyong, kasunod ng unveiling ng national historical marker ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa makasaysayang gusali.

Binigyang-diin ng pari na bahagi ng pagpapanatili ng mahalagang gusali ang pagkukumpuni at pagpreserba nito, kabilang na ang planong gawing museo ang 370-taong-gulang na Kumbentong Agustino sa Mandaluyong upang maipasa sa susunod na henerasyon ang mahalagang kasaysayan nito.

“Una, ang commitment namin ay hindi ’to masira. Aayusin ang dapat i-repair at magiging museo ito sapagkat hindi lang ito bato; ito’y buhay na bato. May istorya, may kasaysayan,” pahayag ni Fr. Nolasco sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng Salesianong pari na higit pa sa isang lumang estruktura ang kumbento dahil nagsilbi itong saksi sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng Simbahan at ng bansa.

Mula nang itinayo ng mga misyonerong Agustino tatlong siglo ang nakalilipas, dumaan ang gusali sa iba’t ibang gamit, tulad ng pagiging kumbento, bahay-ampunan, at kalaunan ay tahanan ng San Carlos Seminary mula sa dekada 1930 hanggang 1953.

Ayon kay NHCP Chairman Regalado Jose Jr., sa kabila ng mahalagang papel ng gusali sa kasaysayan, nananatili itong hindi gaanong kilala ng publiko, maging sa Mandaluyong at sa Metro Manila.

“Lingid sa kaalaman ng nakararami, sa apat na sulok ng Don Bosco Technical College dito sa Mandaluyong ay natatago ang isang pamana na masasalamin sa kasaysayan nito,” ayon kay Jose.

Kabilang sa mahahalagang pangyayaring iniuugnay sa kumbento ang paglalantad ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano Gil ng lihim na samahan ng Katipunan, na naging mitsa sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino.

Sa panahon ng mga Amerikano, napasailalim sa Archdiocese of Manila ang pangangalaga sa kumbento at ginawa itong San Carlos Seminary.

Nang lumipat ang seminaryo sa kasalukuyang lugar nito sa Guadalupe, Makati City, ipinagkatiwala ang gusali sa mga Salesiano ni San Juan Bosco.

Naging daan ito sa pagtatatag ng noo’y Don Bosco Technical Institute, na kasalukuyang Don Bosco Technical College.

“Sa ganoon, naging instrumento ang gusaling ito sa pagtaguyod at paghubog ng kabataang Pilipino mula pa noon hanggang ngayon,” aniya.

Samantala, naniniwala si Fr. Nolasco na mahalagang maipakita sa mga kabataan ang ganitong kasaysayan upang makita ng bagong henerasyon ang ugnayan ng pananampalataya, ng Simbahan, at ng bayan.

“Sa mga kabataan, nakikita nila na may halaga ang kasaysayan ng buhay ng ating bayan, ng buhay ng Simbahan, at ng buhay ng kanilang pananampalataya,” ani Fr. Nolasco.

Samantala, sinabi ni Jose na ang paglalagay ng national historical marker ay dapat magsilbing paalala sa publiko ng kanilang responsibilidad na pangalagaan ang mga pamanang pangkasaysayan ng bansa.

“Nawa’y ang panandang pangkasaysayan na ito ay magdulot ng pagkamulat sa ating lahat at maging daan sa mas aktibong pakikibahagi sa pagprotekta at pangangalaga sa ating mga yamang pamana,” ani Jose.

Palalakasin pa ng Don Bosco ang pagpapakilala sa publiko sa makasaysayang gusali, lalo na sa pagsapit ng 2028, sa ika-75 taon ng pananatili ng mga Salesiano sa dating lugar ng San Carlos Seminary.

Sa pamamagitan ng planong museo, nais ng Don Bosco na manatiling buhay ang kasaysayan ng kumbento at maging lugar ito ng pagkatuto para sa mga kabataan at iba pang bibisita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,436 total reads

 38,436 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,182 total reads

 74,182 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,452 total reads

 300,452 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,920 total reads

 193,920 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,883 total reads

 285,883 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top