NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,872 total reads

Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang idaos ngayong Nobyembre 2026.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Eric Alvia, Secretary General ng NAMFREL na ilang buwan nang nagpahayag ng pagtutol ang kanilang grupo sa panukalang pagpapaliban, kabilang ang pagharap sa Senado at Kamara upang ipaliwanag ang kanilang posisyon.

“Disappointed,definitely. Kasi nung Abril pa namin napansin ito na merong hakbang, ‘no, na gumagalaw nga doon sa Kongreso para ipostpone na naman ‘yung Barangay at SK Elections. Abril pa lamang, so naglalabas na kami ng mga papel, naglalabas na kami ng mga statement, humarap na kami sa Senado, humarap na kami sa Kongreso.… Pero hindi pa rin pinakinggan ’yung aming pananaw na dapat hindi na dapat ipostpone ’yung Barangay at SK Elections.” Bahagi ng pahayag ni Alvia sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Alvia na ang pagpapaliban muli sa halalang pambarangay ay nangangahulugan din ng pagpapahaba sa termino ng mga kasalukuyang barangay at SK officials, na ayon sa kanya ay maaaring makaapekto sa pananagutan ng mga opisyal sa kanilang mga nasasakupan.

“Ang mandato ngayon, wala na sa taong bayan, wala na sa botante; ang mandato ngayon doon sa appointing power. So kung kailan ka hihingi ng pananagutan sa mga Barangay officials mo, medyo malakas ngayon ang loob nila… Hindi sila medyo makikinig sa ’yo dahil sasabihin nila, ‘Hindi niyo naman ako binoto. In-appoint naman ako. Bakit ako makikinig sa ’yo?’” Dagdag pa ni Alvia.

Binigyang-diin din ng election watchdog ang kahalagahan ng right of suffrage, lalo na sa pagpili ng mga lokal na lider na direktang nakikipag-ugnayan sa mga komunidad.

Ipinaliwanag ni Alvia na mahalaga ang pagsasakatuparan sa patas na karapatan ng bawat mamamayan na ihalal ang mga magiging lider ng kanilang pamayanan na nasasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Iginiit ni Alvia na ang karapatan sa pagboto ng bawat isa ay isang ‘great equalizer’ sa lipunan kung saan ang lahat ay may patas na karapatan anuman ang kanilang antas sa buhay.

“’Yung talagang rason namin kaya tinututulan namin ito ay ’yung ating karapatan na mamili ng ating leader, ’yung right of suffrage. ’Yun ’yung nilabag—na sa Konstitusyon ng Pilipinas ’yan… Kasi ito ’yung great equalizer. Mayaman ka, mahirap ka… pantay-pantay tayo. Hindi lang kapirasong papel ’yan o proseso ’yan; dito nakasalalay ’yung ating kinabukasan, pati ’yung sa susunod na henerasyon.” Ayon pa kay Alvia.

Binanggit din ni Alvia ang Macalintal v. COMELEC ruling ng Supreme Court noong 2023, na ayon sa kanya ay mahalagang bahagi ng kanilang argumento laban sa panibagong postponement kung saan dapat ay may malinaw at mabigat na batayan sa pagpapaliban ng halalan.

Ibinahagi rin ni Alvia na pinag-aaralan ng NAMFREL kung kinakailangan pa nilang magsampa ng hiwalay na petisyon sa nauna ng isinampa ni Election lawyer Atty. Romulo Macalintal na una ng naghain ng petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa postponement ng Barangay at SK Elections, kabilang ang kahilingan para sa temporary restraining order.

“Dapat maglabas kaagad ang Supreme Court ng kanyang posisyon dito para matuloy itong November elections.” Ani Alvia.

Samantala, partikular ding ibinahagi ni Alvia na mula 1992 ay umaabot na sa siyam na beses na ulit na sinuspende ang halalang pambarangay sa bansa na maituturing na paglabag sa batas.

“Alalahanin natin, since 1992, ito na ‘yung pinakasyam na beses, ‘no, na pinostpone ‘yung Barangay Elections.” Dagdag pa ni Alvia.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalaga ang malaya, regular at makabuluhang pakikilahok ng mamamayan sa demokratikong proseso, sapagkat ang pamamahala ay dapat nakatuon sa kabutihang panlahat at pananagutan sa taumbayan, kung saan ang halalan ay nagbibigay sa mga mamamayan ng pagkakataong pumili at maningil ng pananagutan sa mga lider na direktang naglilingkod sa kanilang komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,215 total reads

 22,215 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,344 total reads

 103,344 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,793 total reads

 136,793 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,091 total reads

 172,091 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,872 total reads

 397,872 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top