Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,706 total reads

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday, na may temang “Marinong Filipino: Matatag sa Alon, Matibay sa Hamon.”

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Bishop Santos ang katatagan, tapang, at pagpupursige ng mga seafarer na humaharap sa mga hamon ng paglalayag, kabilang ang bagyo, mahabang panahon na malayo sa pamilya, at mga sandali ng pangungulila at kawalan ng katiyakan.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi lamang trabaho ng mga seafarer ang dapat kilalanin, kundi ang kanilang pagkatao bilang mga anak, asawa, magulang, kapatid, at higit sa lahat, mga minamahal na anak ng Diyos, gayundin ang kanilang mga pamilyang naghihintay, nagsasakripisyo, at patuloy na nananalangin para sa kanilang ligtas na pag-uwi.

“To the families of our seafarers, we express our heartfelt appreciation. Your love and prayers are a source of strength for those far from home. Dear Filipino seafarers, may you remain matatag sa alon at matibay sa hamon. May your strength come not only from your skills and experience but also from your faith in God. When the seas are rough and the horizon is uncertain, remember that you are never alone. The Lord journeys with you and remains your refuge and strength.We also call upon all maritime employers, agencies, government institutions, chaplains, and communities to continue promoting the dignity, safety, welfare, and rights of every seafarer. May our concern for them always go beyond their economic contribution and recognize their humanity and dignity as persons,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Hinimok din ni Bishop Santos ang maritime employers, agencies, mga institusyon ng pamahalaan, chaplains, at mga komunidad na patuloy na itaguyod ang dignidad, kaligtasan, kapakanan, at mga karapatan ng bawat seafarer, at kilalanin sila hindi lamang dahil sa kanilang ambag sa ekonomiya kundi bilang mga taong may dignidad at karapatan.

Nanawagan pa ang Obispo sa Simbahan na samahan ang mga seafarer at kanilang pamilya sa pamamagitan ng panalangin, malasakit, at konkretong suporta, habang ipinapaalala sa mga marinong Pilipino na hindi sila nag-iisa dahil kasama nila ang Panginoon sa bawat paglalakbay, at hiniling ang paggabay at pag-iingat ng Mahal na Birheng Maria, Stella Maris, tungo sa ligtas na daungan ng pag-ibig ng Diyos.

“As a Church, let us accompany our seafarers and their families with prayer, compassion, and concrete support. May they always know that they have a home in our communities and a place in our hearts.
To all our Filipino seafarers: wherever the winds may take you, carry with you the faith, resilience, and hope of the Filipino people. May every voyage be blessed with courage, every challenge met with strength, and every journey lead you safely home. May the Blessed Virgin Mary, Star of the Sea, guide and protect you, watch over your families, and lead you always to the safe harbor of God’s love. With my prayers and blessing,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.

Umaabot sa kasalukuyan sa 2.57-million ang bilang ng mga mandaragat sa buong mundo kung saan 589,179 ang mga Filipino seafarer na naglalayag sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,711 total reads

 49,711 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,507 total reads

 146,507 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,776 total reads

 190,776 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,885 total reads

 213,885 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,846 total reads

 286,846 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,372 total reads

 28,372 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top