Panganib sa paggamit ng “discord”, inamin ng Deep Web Konek

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,081 total reads

Isinusulong ni Marko Santiago, Director for External Affairs ng Deep Web Konek ang mas maayos na pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at social media platforms upang mapalakas ang proteksyon sa mga kabataan laban sa online grooming at iba pang mapanganib na aktibidad.

Sa panayam kay Santiago sa Programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, sinabi ni Santiago na hindi lamang ‘Discord’ ang maaaring magamit sa grooming at radicalization, kundi maging iba pang madaling ma-access na social media platforms tulad ng Facebook at Messenger.

“Sa general use, useful naman ang Discord para sa proper communication, education, at collaboration with businesses. Ginagamit din ito ng mga estudyante, content creators,digital creators at freelance workers bilang bahagi ng kanilang trabaho at pagkakakitaan. Libre ang pangunahing paggamit nito, bagama’t may ilang advanced o updated features na may bayad. Kaya mahalaga ring tingnan na hindi lamang sa negatibong paggamit dapat nakatuon ang usapin tungkol sa platform,” ayon sa panayam ng programang Baranggay Simbayanan kay Santiago.

Ayon kay Santiago, mahalagang magkaroon ng proper investigation sa mga naitatalang kaso, gayundin ng maayos na koordinasyon sa mga platform upang matukoy at matugunan ang mga feature na maaaring magamit sa maling paraan.

Binigyang-diin din niya na bagama’t may mga panganib sa paggamit ng Discord, mayroon itong lehitimong gamit para sa communication, education, collaboration at pagkakakitaan ng mga estudyante, content creators, digital creators at freelance workers.

Matatandaang pansamantalang ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang streaming at conference platform ng ‘Discord’ matapos i-ugnay sa mga ulat ng online grooming na naibalik naman kalaunan ang access dito kasunod ng mga reklamo mula sa mga gumagamit nito higit na mula sa mga propesyunal at educational sector.

“Unang-una, kailangan ng proper investigation sa mga kaso na ganito. Hindi lamang Discord ang may ganitong senaryo, dahil maaari rin itong mangyari sa Messenger, Facebook at iba pang social media networks. Ang pinakamainam na gawin ay magkaroon ng proper coordination sa mga social media platforms para maayos na matugunan ang mga ganitong problema. Kailangan nating magkaroon ng safeguards para hindi magamit ang mga platform sa panggugroom o pag-impluwensiya sa mga kabataan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Santiago.

Ang ‘Discord’ ay isang online communication platform na ginagamit para sa text chat, voice at video calls, at group discussions.

Karaniwan itong ginagamit ng mga estudyante, content creators, professionals at iba pang users para sa komunikasyon, collaboration, education at trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,349 total reads

 39,349 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,052 total reads

 75,052 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,322 total reads

 301,322 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,790 total reads

 194,790 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,705 total reads

 286,705 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top