Kapanakanan ng commuters, dapat isaalang-alang sa mataas na presyo ng langis at pamasahe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,763 total reads

Nagbabala ang PARA–Commuters’ Network – Advocates for Inclusive Transport na higit na mararamdaman ng mga commuter ang epekto ng panibagong taas-pasahe sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Nanoy Rafael, convenor ng PARA–Commuters’ Network na nauunawaan ng grupo ang pangangailangan ng mga tsuper at operator na magkaroon ng sapat na kita, ngunit nahaharap din ang mga commuter sa lumiliit na suplay ng pampublikong transportasyon.

“Masakit talaga ’yung fare hike. Pero ito namang gobyerno natin, para kaming pinapapili ng bato na iuumpog sa ulo namin. Kasi kung hindi magtataas ang pamasahe, kung hindi magmamahal ang pagko-commute, ang pipiliin naman namin ay wala kaming masasakyan.” Bahagi ng pahayag ni Rafael sa Radyo Veritas.

Iginiit din ni Rafael na ang pagtaas ng pamasahe ay hindi dapat ihiwalay sa problema ng kakulangan ng mga pampublikong sasakyan na pinalalala pa ng mataas na presyo ng langis at mga polisiya sa transportasyon.

“Hindi kami binigyan ng any choice ng gobyernong Marcos kasi hindi rin niya tinaas ang sahod. Sa amin, dapat itaas ’yung sahod sa nakakabuhay na antas… Kasi ’yung pagiging mahal ng pagco-commute, relative lang naman siya sa kung gaano kataas ang sahod namin.” Dagdag pa ni Rafael.

Hiniling din ng grupo sa pamahalaan ang pagsususpinde o pagtanggal sa VAT at excise tax sa produktong petrolyo, gayundin ang pagbabago sa Oil Deregulation Law, na ayon kay Rafael ay hindi nakapagbigay ng inaasahang proteksiyon sa mga mamimili.

“Ang pangako sa atin ng Oil Deregulation Law ay magkakaroon ng kompetisyon, bababa ang presyo ng krudo, pero hindi naman kompetisyon ang nangyari… Kaya kailangan na talagang buwagin ’yung oil kartel at ibig sabihin niyan ay i-regulate ng gobyerno ang presyo ng petrolyo.” Ayon pa kay Rafael.

Nanawagan din ang PARA na isaalang-alang ng pamahalaan ang epekto ng mataas na presyo ng langis hindi lamang sa mga tsuper at operator kundi sa buong commuting public dahil direktang nakaaapekto ito sa presyo ng transportasyon at iba pang pangunahing bilihin sa merkado.

Sa harap ng patuloy na pagtaas ng gastusin, iginiit ng grupo na kailangan ng mas malawak na tugon ng pamahalaan upang matiyak ang abot-kaya at sapat na pampublikong transportasyon para sa mga Pilipino.

Sa bahagi ng Simbahan, ang usapin ng pampublikong transportasyon ay may kaugnayan sa kabutihang panlahat at dignidad ng tao, kung saan ang mga polisiya sa ekonomiya at transportasyon ay dapat isaalang-alang ang kapakanan ng ng mga manggagawang umaasa sa pampublikong transportasyon at ng mga tsuper at operator na naghahanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,290 total reads

 22,290 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,414 total reads

 103,414 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,863 total reads

 136,863 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,161 total reads

 172,161 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,938 total reads

 397,938 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top