Tularan ang pagbabagong-buhay ni San Francisco ng Assisi, panawagan ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 982 total reads

Hinimok ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang mga mananampalataya na huwag lamang alalahanin ang pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, kundi ipagpatuloy ang pagbabagong-buhay na kanyang isinabuhay mula sa karahasan tungo sa kapayapaan, pagsasamantala tungo sa pangangalaga, at pagkakait tungo sa pagkakapatiran.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco, binigyang-diin ni Cardinal David na ang buong buhay ng santo ay isang patuloy na “passing over” o paglipat mula sa dating pamumuhay tungo sa bagong buhay ayon sa Ebanghelyo.

“800 years after the passing of Francis, perhaps the best way to honor Saint Francis is not simply to remember how he died, but to continue the Transitus that he lived,” ayon kay Cardinal David.

Ayon sa kardinal, ang dating makamundong pamumuhay ni San Francisco ay nagbago tungo sa pagpapakumbaba, karukhaan, kapayapaan at pakikipagkapatiran, kabilang ang kanyang pagtanggap sa mga ketongin at sa mga taong itinatangi ng lipunan.

Binigyang-diin ni Cardinal David ang mga maituturing na pundasyon ng transitus ni San Francisco na nagbibigay-tuon sa pagpapanibago.

“These are three movements of one Transitus: from violence to peace, from exploitation to care, from exclusion to fraternity,” aniya.

Iginiit ng kardinal na hindi dapat maging tagamasid lamang ang mga mananampalataya sa pagbabagong nagaganap sa mundo, kundi dapat makilakbay ang sangkatauhan tungo sa mundong ninanais ng Diyos.

“We are called to accompany the world and humankind in their Transitus, in their passage toward the renewed world envisioned by God,” paliwanag ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na ang hamon ng diwa ni San Francisco ay partikular na mahalaga sa kasalukuyang panahon.

“The old world of violence, of greed, indifference, and exclusion is passing away. By God’s grace, may we help bring to birth a new world, a new humanity, a new fraternity, a new creation in Christ,” saad ng kardinal.

Samantala, binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, na ang Transitus ni San Francisco ay hindi lamang tumutukoy sa kanyang pagpanaw kundi sa buhay na patuloy na humahantong sa Diyos.

“Eternal life for him really began here on earth. It’s really a passage,” pahayag ni Cardinal David.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Franciscanong patuloy na isabuhay ang halimbawa ni San Francisco, na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapwa at sa sangnilikha.

Samantala, inilarawan ni Italian Ambassador to the Philippines Davide Giglio ang pamana ni San Francisco bilang isang makapangyarihang tugon sa mga suliranin ng makabagong mundo.

Ayon kay Giglio, ipinakita ng santo na ang payak na pamumuhay at pagpapakumbaba ay maaaring maging daan upang baguhin ang lipunan at magbigay ng alternatibo sa pagiging makasarili, materyalismo at tunggalian.

“Francis proved how a life of simplicity and humility can be powerful enough to transform society and to provide an alternative model to selfishness, materialism, and conflict,” ayon kay Giglio.

Iginiit din ng ambassador na nananatiling napapanahon ang mensahe ni San Francisco makalipas ang walong siglo.

“Eight centuries later, the message of Francis remains remarkably timely: to sow peace where there is division, to care for the creation as our common home, and to recognize in the poor and vulnerable our brothers and sisters,” aniya.

Isinagawa ang National Transitus Celebration 2026 sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion noong October 3, na nakatuon sa temang “800 Years of the Easter of St. Francis of Assisi: Sowing Peace, Healing
Creation, and Embracing the Poor,” kung saan nagsilbing keynote speaker si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, habang pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,735 total reads

 219,735 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 251,466 total reads

 251,466 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 353,290 total reads

 353,290 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 393,851 total reads

 393,851 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,738 total reads

 405,738 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top