Kapayapaan, nagsisimula sa sama-samang pagdarasal ng santo rosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,036 total reads

Kinilala ni Aid to the Church in Need-Philippines National Director Max Ventura ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pananalangin ng mga bata para sa kapayapaan sa isinagawang One Million Children Praying the Rosary ngayong Oktubre 7, 2026 – Kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary.

Ayon kay Ventura, ang sabayang pananalangin ng mga bata sa Pilipinas na pangunahing isinagawa ngayong taon sa Diyosesis ng Tarlac at sa iba’t-ibang panig ng mundo ay pagkakataon upang makita ang pagkakaisa ng mga Katoliko sa pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

“Ito po ay pagkakataon upang makita ang ating pagkakaisa bilang isang sambayanang Katoliko sapagkat ang panalangin na ito ay ipinagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo.” Bahagi ng pahayag ni Ventura.

Hinimok din ni Ventura ang mga bata na ipagpatuloy ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, na isang makapangyarihang paraan upang maipanalangin ang kapayapaan at mailapit ang sarili sa Diyos sa pamamagitan ni Maria.

Binigyang-diin din ni Ventura na ang One Million Children Praying the Rosary na pananalangin ng Santo Rosaryo ay hindi lamang isang sama-samang gawain kundi isang paraan upang ang kapayapaan ay magsimula sa puso ng bawat isa.

Ayon kay Ventura, mahalagang tularan ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pananampalataya at patuloy na pagtiwala sa kapangyarihan ng Diyos.

“Sana po patuloy natin na ipagdasal, isa sa pamamagitan ng napaka-powerful na Rosaryo, para sa kapayapaan.” Dagdag pa ni Ventura.

Ang panawagan ni Ventura ay kaugnay ng layunin ng One Million Children Praying the Rosary na sinimulan 21 taon na ang nakakalipas na isang taunang pandaigdigang prayer initiative ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need na naglalayong pag-isahin ang mga bata sa pananalangin para sa kapayapaan at palalimin ang kanilang pananampalataya.

Una ng ipinaliwanag ni Ventura na ang sama-samang pananalangin ng mga bata ay pagpapakita ng pagkakaisa ng Simbahan at isang panawagan para mabawasan ang mga kaguluhan at digmaan sa mundo.
Sa pamamagitan ng pananalangin ng Santo Rosaryo, hinikayat ang mga bata na patuloy na maging mga saksi ng pananampalataya at mga ilaw ng kapayapaan at pag-asa sa kanilang pamilya, paaralan at pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,733 total reads

 219,733 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 251,464 total reads

 251,464 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 353,288 total reads

 353,288 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 393,849 total reads

 393,849 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,736 total reads

 405,736 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top