30,422 total views
Pinangunahan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishops Oscar Jaime Florencio ang pagdiriwang ng ika-49 na anibersaryo ng pagkakatatag sa prison ministry arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Payak na ginunita ng CBCP-ECPPC ang founding anniversary sa pamamagitan ng banal na misa sa pangunguna ni Bishop Florencio.
Ayon sa Obispo, ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay pawang mga tao din na nangangailangan ng kapwa kaya naman mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng prison ministry ng Simbahan.
“Itong mga bilanggo ay katulad din natin na tao din, so they are also people like us. We who are not in prison, we who are free we need people, how much more for these people who are there in what we call the Persons Deprived of Liberty, nangangailangan din po and I’m happy for this work being done by the commission at the same time kasama po ang lahat na mayroong puso for our mga kapatid na mga bilanggo.” pagninilay ni Bishop Florencio.
Inihayag ng Obispo na bukod sa mga taong nasa likod ng 49-taong pagsasakatuparan bilang prison ministry ng Simbahan ay mahalaga din ang paggabay ng Panginoon upang patuloy na mapag-alab ang misyong tugunan ang kalagayan at pangangailangan ng mga PDLs.
“The first thing that comes to mind whenever we have celebrations, anniversaries like this is to recognize that what we have at the present moment is a blessing, that what we have is not because of our effort, is not because of what we have done or what impact we have made for people but because of a loving and a great God who has given us all this blessing for which reason nandito tayo ngayon.” pahayag ni Bishop Florencio.
Kasabay nito ang lenten talk si Rev. Fr. Nezelle O. Lirio – executive secretary ng komisyon na may temang “Ka-agapay ng Bilanggo Tungo sa Pagbabago” bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-limang dekada ng paglilingkod ng komisyon sa susunod na taon.
Bahagi ng mensahe ni Fr. Lirio ang pagbibigay diin sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga naglilingkod sa prison ministry ng Simbahan upang maibahagi sa PDLs) ang patuloy na habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.
Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care upang pangunahan ang pagbabahagi ng pag-asa at paghilom para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng iba’t ibang pagkakasala sa buhay.
Sa kasalukuyan maroon ng 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkas