Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,493 total views

Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa.

Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr. sa ika-22 ng Hulyo, 2024.

Hinimok ng C-L-P-I ang pangulong Marcos na ilatag ang malinaw na posisyon at paninindigan sa pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo at negosasyon sa komunistang grupo upang matigil na ang labanan.

“On July 22, 2024. President Ferdinand R. Marcos, Jr., will deliver his third State of the Nation Address (SONA). As leaders who believe that a just peace is imperative for a better state of the nation, we call on the President in his SONA to make a clear and unqualified commitment to pursuing a peaceful, negotiated solution to the long-running armed conflict that has claimed the lives of thousands of Filipinos from both sides.” pahayag ng CLPI.

Pinuna din ng Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa all-out war policy laban sa komunistang grupo sa halip na pagtuunan ang pagkakaloob ng mga pangunahing serbisyong panlipunan tulad ng pangkalusugan, edukasyon, abot-kayang pabahay at mga programa sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Nanawagan ang CPLI sa pangulong Marcos na ituloy ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na siyang umbrella organization ng CPP-NPA.

Umaapela din CLPI sa tuluyang pagpapalaya sa mga NDFP peace consultant na kabilang sa mga unang nakadayalogo ng panig ng pamahalaan.

Ang Council of Leaders for Peace Initiatives (CLPI) ay isang grupo ng mga indibidwal mula sa magkakaibang larangan at kadalubhasaan na kinabibilangan ni Cebu Archbishop Jose Palma at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na siya ring National Director ng Caritas Philippines.

Unang binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng armadong sagupaan kundi sa isang payapang dayalogo at pagkakasundo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 33,480 total views

 33,479 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 61,485 total views

 61,484 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 79,284 total views

 79,284 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 77,948 total views

 77,947 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 187,904 total views

 187,904 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 666 total views

 666 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top