Hindi imposible ang kabanalan sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,654 total reads

Ipinakitang posible ang kabanalan sa mga kabataan sa pamamagitan ng buhay ni Saint Carlo Acutis.

Ito ang buod ng pagninilay ni Archbishop Emeritus ng Diocese of Perugia-Città della Pieve – Cardinal Gualtiero Bassetti bilang huwaran ng pananalig, panalangin at pagmamahal sa kapwa sa paggunita sa unang anibersaryo ng Canonization ng Batang santo.

Sa Banal na Misa sa Sanctuario Spogliazione sa Assisi, Italy, sinabi ng Cardinal na naipakita ni Acutis na ang landas tungo sa kabanalan ay maaaring simulan sa pagkakaugat sa Salita ng Diyos, panalangin, Eukaristiya at Santo Rosaryo.

Binigyang-diin din ng Cardinal na sa kabila ng pagiging kabataan at pamumuhay sa makabagong mundo, pinili ni Carlo na hindi maging “photocopy” ng lipunan, bagkus ginamit ang kanyang mga talento at maging ang internet upang ibahagi ang kagandahan ng pananampalatayang Kristiyano, habang naging konkretong pagtulong naman sa mga mahihirap ang kanyang malalim na pananampalataya.

“This intelligent and dynamic boy chooses not to conform, not to be one of the many photocopies produced by the fashion of the times. He consciously wants to live with the talents received and with his origin as a child of God. From childhood, after receiving a good Christian formation in his family, he is attracted by the things of God. Assiduous in attending Mass and Eucharistic adoration before the Blessed Sacrament, he is transfigured as if entering into deep dialogue with the Lord,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Bassetti

Iniugnay din ni Cardinal Bassetti ang buhay ni Carlo kina Saint Francis at Saint Clare ng Assisi, na kapwa mga kabataang nakaranas ng malalim na pagbabago sa kanilang buhay at piniling ilagay si Kristo higit sa mga makamundong pang-akit.

Hinikayat naman niya ang mga kabataan na maging tunay na saksi ng Ebanghelyo gamit ang mga bagong pamamaraan at wika, habang nananatiling tapat kay Kristo, dahil sa bisa ng Binyag, bawat Kristiyano ay tinatawag na maging misyonero at tumugon sa panawagan ng Diyos na, “Here I am, Lord, I am ready, send me.”

Hiniling din ni Cardinal Bassetti sa pamamagitan ni Saint Carlo Acutis na matulungan ang mga Kristiyano na maisabuhay ang “make all things new” sa kanilang buhay-pananampalataya at maging tunay na saksi ng pag-ibig ng Diyos, lalo na sa pamamagitan ng tinawag niyang “miracle of charity.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,089 total reads

 78,089 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,789 total reads

 172,789 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,057 total reads

 217,057 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,166 total reads

 240,166 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,785 total reads

 311,785 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 30,359 total reads

 30,359 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top