Automated election, isasagawa sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,670 total reads

Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa nakatakdang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na automated election ang gagawin sa BARMM at tatlong uri ng mga kinatawan ang ihahalal ng mga botante.

Nakatakdang ganapin sa Setyembre 14, 2026 ang kauna-unahang halalan para sa mga magiging miyembro ng Bangsamoro Parliament, isang makasaysayang hakbang sa pagpapatupad ng awtonomiya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“Sa September 14 nga po, o barely six days to go, ay gaganapin po ang kauna-unahan at pinakamakasaysayang halalan dito sa BARMM—’yung kanilang paghahalal ng kanilang magiging miyembro ng parlamento. Iyan po ay automated elections.” Bahagi ng pahayag ni Laudiangco sa Radyo Veritas.

Kabilang sa ihahalal ang mga kinatawan mula sa parliamentary parties, district representatives, at mga sectoral representatives kung saan may 32 distrito sa BARMM na pipili ng kani-kanilang district representatives, habang kabilang naman sa sectoral representation ang settler communities, kababaihan, kabataan, traditional leaders at ulama.

“Maghahalal po sila ng tatlong klase po ng mga kanilang magiging miyembro ng parlamento: ‘yung parang party-list po nila na ang kanilang ihahalal ay ‘yung mismong partido; ikalawa po, ‘yung kanilang district representatives… tatlumpu’t dalawa po ang distrito diyan; at ‘yung pinakahuli po, maghahalal sila noong mga magiging representante doon sa sektor.” Dagdag pa ni Laudiangco.

Ipinaliwanag din ng COMELEC na ang susunod na halalan para sa Bangsamoro Parliament ay hindi pa sasabay sa 2028 National and Local Elections sa halip ay itatakda kasabay ng 2031 elections.

Samantala, umabot na sa humigit-kumulang 36,000 ang COMELEC checkpoints na inilatag sa BARMM bilang bahagi ng paghahanda para sa halalan.

Ayon kay Laudiangco, pinagplanuhan din ang malawakang deployment ng checkpoints kasama ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang matiyak ang seguridad at maayos na pagsasagawa ng halalan.

“Umabot na po sa 36,000 COMELEC checkpoints ang naitatag na po natin diyan. Ganyan karami po, ‘no? Nagsimula po kami sa 8,000, naging 9, naging 12,000, at ito nga po, 36,000.” Ayon pa kay Laudiangco.

Bukod sa seguridad, magsisilbing lugar din ang mga checkpoint kung saan maaaring lumapit ang mga botante upang mag-report ng mga paglabag o magtanong hinggil sa halalan.

May nakalagay ding mga contact number ng COMELEC officer at team leader sa mga checkpoint upang mas madaling makontak ng publiko ang mga election officials.
Nagbigay rin ng mahalagang paglilinaw si Laudiangco sa mga botanteng hindi pamilyar sa sistema ng pamahalaan sa BARMM partikular na ang pagkakaroon ng Bangsamoro Parliament na hindi nangangahulugang humihiwalay ang rehiyon sa Pilipinas.

“Huwag po magkakamali, ‘no? … baka po isipin nila, hihiwalay na ba ang BARMM sa Pilipinas? May sarili na ba silang gobyerno doon? Hindi po. Ito ay parte pa rin ng ating Saligang Batas, parte pa rin ng Pilipinas.” Ayon kay Laudiangco.

Ipinaliwanag din ni Laudiangco na ang pagkakaroon ng Bangsamoro Parliament ay bahagi ng awtonomiyang ipinagkakaloob sa rehiyon sa ilalim ng Saligang Batas.

“Ito ay parte pa rin ng ating Saligang Batas, parte pa rin ng Pilipinas. At ‘yung Saligang Batas po kasi natin mismo ang nag-utos na mayroon po silang awtonomiya diyan.” Ani Laudiangco.

Sa bahagi ng Simbahan ang halalan ay mahalagang pagpapahayag ng pakikilahok ng mamamayan sa buhay ng lipunan na dapat laging nakatuon sa kapakanan ng buong pamayanan, paggalang sa dignidad ng bawat tao, katarungan at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,160 total reads

 20,160 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,397 total reads

 101,397 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,846 total reads

 134,846 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,144 total reads

 170,144 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,021 total reads

 396,021 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top