San Agustin Parish sa Masantol Pampanga, gumawa ng sariling flood control

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,838 total reads

Inihayag ng pamunuan ng San Agustin Parish sa Masantol, Pampanga na hindi kinaya ng kanilang pansamantalang improvised flood control ang patuloy na pagtaas ng baha sa kanilang lugar.

Ayon kay Fr. Kristian Rei Cayanan, kura paroko ng parokya, napilitang isara ang dambana sa publiko at ilipat ang mga pagdiriwang ng banal na misa sa mas mataas na lugar para sa kaligtasan ng mga mananampalataya.

Aniya, sinikap ng kanilang komunidad na gumawa ng sariling flood-control measure upang magamit ang kanilang parokya sa kanilang kapistahan noong August 28.

“We tried our best po to do our own flood control sa aming parokya, pero yun nga po, dahil temporary lang, hindi kinaya… Pero at least po kahit papaano, nakatulong na maibsan yung baha sa amin,” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Apela ni Fr. Cayanan sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan na hindi lamang pansamantalang solusyon ang kailangan kundi isang maayos at nakabatay sa tunay na pangangailangan na flood control masterplan, lalo na sa mga komunidad na laging nalulubog sa baha.

“Unang-una po siguro yung tingnan natin kung ano o kung saan talaga nangangailangan ng tulong… mga lugar na talagang nilulubog nang matagal para maibigay natin yung master plan o yung priorities natin sa tamang tao, sa tamang lugar,” giit ng pari.

Partikular na tinukoy ng pari ang Masantol at Macabebe, gayundin ang iba pang lugar sa Pampanga, na aniya’y dapat ding masusing pagtuunan ng pansin sa pagpaplano ng mga hakbang laban sa pagbaha.

Ibinahagi ng pari na mula pa noong unang linggo ng Agosto, nakaranas ng pagbaha sa kanilang lugar at nagtuloy-tuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa nagpapatuloy na ulan dala ng habagat.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD) tinukoy nito ang Pampanga bilang hardest-hit na lalawigan sa masamang panahon kung saan 330 lugar sa 20 munisipalidad ang nalubog sa baha.

Samantala, matapos tuluyang magsara ang kanilang parokya noong August 29, lumikas ang pari sa mas ligtas na lugar at ipinagpatuloy ang mga Misa sa isang covered court na nasa mataas na bahagi malapit sa dike.

Sa gitna ng patuloy na pagsubok, hinikayat ni Fr. Cayanan ang mga mananampalatya at reisdenteng apektado ng baha na huwag mawalan ng pag-asa.

“Magdasal po tayo. Darating din po yung araw na liliwanag, maalis din ang baha… Makakaraos din tayo sa pagsubok na ito. Sana dasalin natin at makita natin, gawin yung tama, mabuti at dapat para sa mga tao,” saad pa ni Fr. Cayanan.

Bagamat kabilang ang pari sa biktima ng baha ay patuloy pa rin itong gumagawa ng hakbang upang matulungan ang mga residente sa lugar kabilang ang pamamahagi ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,186 total reads

 21,186 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,364 total reads

 102,364 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,813 total reads

 135,813 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,111 total reads

 171,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,944 total reads

 396,944 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top