Pagtaas ng unemployment at underemployed, ibinahagi ng TUCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,388 total reads

Ibinahagi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na katumbas na ng antas noong panahon ng pandemya ang kasalukuyang bilang ng unemployed workers sa ngayon.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni TUCP Spokesperson Carlos Miguel Oñate na pinakamataas sa loob ng apat na taon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, kasabay ng patuloy na pagdami ng mga manggagawang may trabaho ngunit hindi sapat ang kinikita.

Pagbabahagi ni Oñate maaaring maiugnay ito sa pagdami ng mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho.

“’Yung ating bilang ng unemployed, ito po ay katumbas ng unemployed po natin noong pandemic, July 2022. Ganyan po karami, ‘no? Kaya ito po ‘yung pinakamataas na unemployment in four years.” Bahagi ng pahayag ni Oñate sa Radyo Veritas.

Inihayag nito na kasabay ng pagdami ng unemployed ay nananatiling mataas ang bilang ng underemployed na mga Pilipinong may trabaho ngunit naghahanap pa rin ng dagdag na pagkakakitaan dahil hindi sapat ang kanilang kita.

“Pati ‘yung underemployed, ito po ‘yung ating mga manggagawa, may trabaho sila pero kulang pa rin ang kinikita, gusto pa rin nila ng additional. Eh nasa almost 12.9% po ‘yan, ‘no? Halos 13 percent.” Dagdag pa ni Oñate.

Ayon kay Oñate, nagpapakita ito na hindi lamang pagkakaroon ng trabaho ang problema kundi pati ang kalidad ng mga trabahong nalilikha sa bansa.

Sinabi rin ng TUCP na mabagal ang job creation dahil sa mataas na cost of doing business sa bansa, kabilang ang presyo ng kuryente, habang hindi umano sapat ang suporta ng pamahalaan sa mga lokal na industriya.

“Kaya unfortunately, job creation po talaga natin napakabagal kaya nagle-lead po ito sa napakataas na unemployment rate po natin.” Ayon pa kay Oñate.

Dahil dito, kinukuwestiyon ng grupo kung sapat ba ang kasalukuyang direksiyon ng ekonomiya upang makinabang ang mga ordinaryong manggagawa at mga Pilipinong naghahanap ng trabaho.

Dagdag pa ni Oñate, kinakailangang tugunan ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipinong, sa kabila ng pagkakaroon ng diploma at karanasan, ay nahihirapan pa ring makahanap ng trabaho.

“Kahit may diploma sila eh, hindi sila makakakuha ng trabaho. Kahit nga may experience na ng how many years, hindi nakakakuha ng trabaho. So ‘yun ‘yung dapat tugunan ng ating gobyerno.” Ani Oñate.

Samantala, binatikos din ng TUCP ang mabagal na pagpapatupad ng mga batas at programa para sa mga manggagawa, kabilang ang Trabaho Para sa Bayan Act na naglalayong magkaroon ng National Employment Plan.

Ayon kay Oñate, mahalaga ang mas aktibong pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa labor sector upang matugunan ang mga problema sa trabaho, sahod at karapatan ng mga manggagawa.

“Sa kasamaang palad, ‘no, even if si Presidente Marcos ang nagpasa nung Trabaho Para sa Bayan Act… eh alam niyo naman po sa Pilipinas, magaling lang tayong gumawa ng batas pero napakahina natin talaga mag-implement nung batas.” Dagdag pa ni Oñate.

Kabilang sa tinukoy niyang mga problema ang sahod, unemployment at mga reklamo kaugnay ng pag-uunyon at unfair labor practices, kabilang ang union busting.

Ipinanawagan niya ang agarang pagkilos ng DOLE, lalo na sa pagtiyak na naipatutupad ang mga umiiral na labor policies at naipagtatanggol ang kapakanan ng mga manggagawa.

Nanawagan din ang TUCP sa bagong kalihim ng DOLE na magsilbing tulay sa pagitan ng labor sector at ng Pangulo upang muling maisulong ang dayalogo at maresolba ang mga usapin ng mga manggagawa.

“Sana naman po subukan man lang nitong current Labor Secretary natin na maging tulay sa manggagawa at sa Pangulo dahil wala na pong ibang solusyon po dito kundi talagang aksyunan po ng gobyerno.” Apela ni Oñate.

Sa bahagi ng Simbahan ang pagkakaroon ng disenteng trabaho at makatarungang sahod ay mahalagang bahagi ng dignidad ng tao at kabutihang panlahat ngunit hindi sapat ang simpleng pagkakaroon ng trabaho kung hindi nito natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng manggagawa at ng kanyang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,539 total reads

 50,539 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,289 total reads

 147,289 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,558 total reads

 191,558 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,667 total reads

 214,667 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,581 total reads

 287,581 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top