Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,543 total reads

Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga biktima ng EJK sa bansa.

Para higit na mapalawak ang misyon ng Program Paghilom ay itayo ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang Dambana ng Paghilom – Himlayan ng mga biktima ng EJK sa La Loma Cemetery sa Caloocan na kauna-unahang EJK Memorial site.

15-urns ng mga biktima ng EJK ang inihimlay sa Dambana ng Paghilom noong ika-27 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo o Our Lady of Perpetual Help.

Pinangasiwaan ni Rev. Fr. Eduardo Vasquez, OMI ang isang simpleng seremonya at pagbabasbas bago ang paghahatid sa huling hantungan sa mga biktima ng EJK dulot ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

“The search for healing & closure continues. 15 more urns containing the mortal remains of EKJ victims were interred earlier today, June 27, at the “Dambana ng Paghilom”, La Loma Catholic Cemetery, Caloocan City. Fr. Eduardo Vasquez, OMI officiated a simple liturgical ceremony & blessing to finally lay their remains to rest. Family members, mostly under the care of #ProgramPaghilom, were present at the event.” Pagbabahagi ng AJ Kalinga Foundation.

Ibinahagi ni Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. – Founder and President – Fr. Flavie Villanueva SVD, na layunin ng EJK Memorial Site na mabigyan ng dignidad at pagpapahalaga ang lahat ng mga biktima ng EJK sa pagkakaroon ng isang naaangkop na himlayan at huling hantungan.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 300 ang mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation.

Photo Courtesy of Arnold Janssen Kalinga Foundation:

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 12,268 total reads

 12,268 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 36,161 total reads

 36,161 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 72,662 total reads

 72,662 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 293,286 total reads

 293,286 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 327,243 total reads

 327,243 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top