Unofficial parallel count, isasagawa ng PPCRV sa BARMM parliamentary elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,426 total reads

Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa aktibong pakikilahok sa pagbabantay ng kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.

Sa panayam sa Radyo Veritas, inihayag ni PPCRV Chairman Evelyn Singson na kabilang sa tungkulin ng PPCRV sa nakatakdang halalan ang pagtulong sa mga botante at pagsasagawa ng unofficial parallel count.

Ayon kay Singson, itinalaga ang kanilang mga volunteer na magsagawa ng Voters’ Assistance Desk upang gabayan ang mga botante bago sila pumasok sa mga polling precinct.

“We have been assigned to do Voters’ Assistance Desk. Meaning to say na lahat ng kailangan ng botante bago pumasok sa presinto, tutulungan namin sila.” Bahagi ng pahayag ni Singson sa Radyo Veritas.

Bukod sa voter assistance, magsasagawa rin ang PPCRV ng unofficial parallel count kung saan kokolektahin ang mga election returns mula sa mga polling center sa buong BARMM at ipapadala sa PPCRV Command Center sa Makati, na manu-manong i-scan ang bawat election returns at ihahambing sa transmitted results bilang bahagi ng integrity check.

“We have also been mandated to do an unofficial parallel count, so that ‘yung boto galing sa presinto, ire-transmit dito at bibilangin at ikukumpara kung ano ‘yung pinasok at kung ano ang lalabas.” Dagdag pa ni Singson.

Pagbabahagi ni Singson, malaking bilang ng volunteers ang ipinadala ng PPCRV sa BARMM dahil mahalagang maging matagumpay ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon matapos ang maraming taong paghihintay para maisakatuparan ito.

“Kaya ang PPCRV, marami kaming volunteers ngayon diyan, because as the first BARMM election, importante na maging successful ito dahil after so many years of trying to get this done, ngayon nangyayari na.” Ayon pa kay Singson.

Hinimok din ni Singson ang mga mamamayan ng BARMM na gamitin ang kanilang karapatang bumoto at pumili ng mga kandidatong tunay na maglilingkod sa kanilang komunidad.

“Maligaya tayo na sana lahat ng taga-BARMM, bumoto at pumili ng tamang kandidato. And hopefully, it is the beginning of peace and democracy in the BARMM region.” Ani Singson.

Binigyang-diin ni Singson na ang mga PPCRV volunteers ay naglilingkod nang walang hinihintay na kapalit, gamit ang kanilang oras at kakayahan para makatulong sa isang malinis at mapagkakatiwalaang halalan.

Ipinaalala rin ni Singson sa mga volunteers na tungkulin nilang tulungan ang mga botante at bantayan ang proseso mula sa pagboto hanggang sa pagtatapos ng halalan.

Ayon pa kay Singson, ang tunay na layunin ng pagbabantay sa halalan ay upang matiyak na ang resulta ay tunay na sumasalamin sa kagustuhan ng mga mamamayan.

“Lahat tayo, volunteers lang. Ang naibibigay natin: ang ating oras, ang ating talino… at sana magbunga ng kabutihan ang ating ini-invest dito para sa bayan. Lahat ng volunteers, dapat tayo ay magbantay nang mahusay, tumulong sa mga botante—’yan ang ating duty—at hanggang sa matapos ang eleksyon, tayo ay naroon para bantayan na ang boto na ipinasok sa balota ay ang botong bibilangin, at sa huli, ang mananalo ay boses ng taumbayan.” Paalala ni Singson.

Kasama rin ang PPCRV sa magsasagawa ng Random Manual Audit (RMA) na isang proseso na tumutulong sa pagsusuri sa accuracy ng mga voting machines.

Bilang bahagi ng paghahanda, inilunsad ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang PPCRV-AMA Command Center sa AMA School of Medicine Annex Building, kung saan isasagawa ng PPCRV ang Unofficial Parallel Count na magsisimula sa Setyembre 17 o 18 at magpapatuloy hanggang Setyembre 20, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 22,400 total reads

 22,400 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 103,518 total reads

 103,518 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,967 total reads

 136,967 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 172,265 total reads

 172,265 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 398,029 total reads

 398,029 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top