Mga deboto ni Nuestra Señora del Buen Suceso, hinamong isabuhay ang pagsunod kay Kristo at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,422 total reads

Hinamon ni Parañaque Bishop Emeritus Jesse Mercado ang mga deboto ng Nuestra Señora del Buen Suceso na gawing kongkretong misyon at paglilingkod ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen sa halip na manatili lamang sa mga gawaing panrelihiyon.

Sa kanyang homiliya sa pagtatapos ng Jubilee Year ng Birhen ng Buen Suceso nitong September 8 sa Parañaque Cathedral, sinabi ng obispo na ang tunay na kahulugan ng debosyon kay Maria ay ang pagtulad sa kanyang pananampalataya, pagsunod sa Diyos at paglilingkod sa kapwa.

“Hindi tayo nagtatapos sa debosyon, nagtatapos tayo sa misyon. Hindi lamang ‘Viva, Nana Ciso,’ kundi ‘Nana Ciso, turuan mo kaming maging mga alagad ni Hesus,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Mercado.

Binigyang-diin ng obispo na hindi sapat ang pagkilala kay Maria bilang Reyna sa pamamagitan ng korona kung hindi naisasabuhay ng mga deboto ang mga pagpapahalagang ipinamamalas niya.

“Ang tunay na korona ni Maria ay hindi lamang ginto. Ang kanyang tunay na korona ay faith, humility, obedience, service, and trust. At higit sa lahat, Christ. Si Maria ay reyna dahil siya ay unang naging lingkod,” giit ng obispo.

Ayon kay Bishop Mercado, ang pagsasara ng Jubilee Year ay hindi dapat maging pagtatapos ng debosyon kundi simula ng mas malalim na pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Hinimok niya ang mga deboto na gawing praktikal ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapatawad, pagtulong, pagdalaw at pananalangin para sa kapwa.

“Isang tao na patatawarin, isang tao na tutulungan, isang taong bibisitahin, isang taong ipagdarasal. Isang gawa ng kabutihan na gagawin natin nang tahimik,” panawagan ng obispo.

Iginiit din ni Bishop Mercado na hindi kailangang maunawaan ng tao ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay upang manatiling tapat sa Diyos.

Sa gitna ng mga pagsubok, sinabi ng obispo na ang mahalagang pangako ng Diyos ay ang Kanyang patuloy na presensya.

Samantala, sinabi ni Fr. Lamberto Legaspino, rector ng Cathedral Parish of St. Andrew at Diocesan Shrine of Nuestra Señora del Buen Suceso, na ang mensahe ng Jubilee ay dapat magpatuloy sa aktuwal na pagkilos ng mga deboto.

“Pinakadiin-diinan ng Jubilee Year ay hindi nagtatapos sa isang debosyon, kundi dapat ay magtapos sa isang misyon,” giit ni Fr. Legaspino.

Hinikayat ng pari ang mga deboto na kilalanin ang kanilang sarili hindi lamang bilang mga tagasunod ni Nana Ciso kundi bilang mga taong handang kumilos para sa misyon.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., ang kasalukuyang administrator ng Diocese of Parañaque, ang pagdiriwang ng banal na misa sa pagtatapos ng Jubilee Year at pagsasara ng Jubilee Door ng dambana.

Katuwang ng obispo sina Bishop Mercado, Antipolo Bishop Emeritus Francisco de Leon, Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at mga bisitang pari.
Sinariwa rin sa pagdiriwang ang pagputong ng korona sa imahe ni Nana Ciso, kung saan ngayong taon ang ika-26 na anibersaryo ng canonical coronation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,457 total reads

 20,457 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,677 total reads

 101,677 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,126 total reads

 135,126 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,424 total reads

 170,424 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,289 total reads

 396,289 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top