Ecological Solid Waste Management Act, maganda lang sa papel at hindi napapatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,671 total reads

Maituturing na totoong tao ang nagmamalasakit sa kapaligiran.

Ito ang binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kanyang pagninilay sa isinagawang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan” ng Radyo Veritas noong Sabado, March 23, 2024 bilang pakikiisa sa Earth Hour ngayong taon.

Ayon kay Bishop David, bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha, mahalagang maunawaan ng mamamayan ang tungkuling iniatas ng Diyos sa bawat isa bilang tagapangalaga ng kalikasan.

Nabanggit ng obispo ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act na nilikha upang maitaguyod ang wastong pamamahala sa mga basura at matugunan ang epekto ng plastic pollution.

“Alam po ninyo, mayroon tayong batas, ito po ang batas na Ecological Solid Waste Management. Ang ganda-ganda sa papel, pero hindi nai-implement dahil hindi nalalagay sa kamalayan ng ating mga mamamayan. Napakasimple lamang po ng mga prinsipyo ng ecological solid waste management. Tatlong bagay, segregate, compost, recycle,” ayon kay Bishop David.

Ipinaliwanag ni Bishop David na ang segregate, compost, at recycle ang epektibong paraan upang matukoy ang mga basurang nabubulok at gawing pataba sa lupa, at mga hindi nabubulok na maaaring i-recycle at gawing kapaki-pakinabang.

Hinimok naman ng obispo ang publiko na iwasan na ang paggamit ng mga single-use plastic upang mapigilan na ang pagdami ng basura na nangungunang sanhi ng pagbaha.

“Alam natin na matagal na matagal bago mabulok ang plastic dahil nga ito’y non-biodegradable. Kaya’t hangga’t maaari ay i-save po natin ang mga plastic, at i-recycle ang mga ito para hindi maperwisyo ang ating kapaligiran. Ang mga balat ng candy, ‘pag kumain ng candy nako, maliit na basura ibulsa muna kung walang tamang pagtatapunan. Dahil kapag tinapon ‘yan sa kalsada, ‘yan ay papasok sa mga kanal at magiging sanhi ng pagbabara ng ating mga kanal at tuloy babahain tayo,” paliwanag ni Bishop David.

Tema ng Earth Hour 2024 ang “Switch Off Plastic Pollution, Give an Hour for Earth”, na layong paigtingin ang panawagan upang ihinto na ang paggamit ng plastic at tugunan ang suliranin ng plastic pollution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 38,636 total reads

 38,636 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 124,302 total reads

 124,302 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 171,039 total reads

 171,039 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 218,911 total reads

 218,911 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 321,062 total reads

 321,062 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,173 total reads

 169,173 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top