Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,714 total reads

Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon.

Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Solemnity of Sts. Peter and Paul ngayong ika-29 ng Hunyo, 2024 ganap na alas-nuebe y medya ng umaga oras sa Roma at alas-tres ng hapon naman oras sa Pilipinas.

Ang Pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot lamang ng Santo Papa at ng mga Metropolitan Archbishops na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Bilang katuwang ng Santo Papa Francisco sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika ay muli ding nangako ng suporta ang mga bagong arsobispo sa patuloy at higit pang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos gayundin sa pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Matatandaang ika-22 ng Pebrero, 2024 nang itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Alarcon bilang ikalimang arsobispo ng Caceres kahalili ng nagretirong si Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona na nanilbihang arsobispo ng Caceres sa loob ng 12-taon.

Pinangunahan naman ng kinatawan ng Santo Papa sa bansa na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang opisyal na pagluluklok kay Archbishop Alarcon noong ikalawa ng Mayo, 2024.

Ang Ecclesiastical Province of Caceres ay binubuo ng Archdiocese of Caceres at mga Diyosesis ng Daet, Libmanan, Legazpi, Sorsogon, Masbate at Virac.

Bagamat personal na binasbasan at iginawad ni Pope Francis ang mga Pallium sa 42 bagong Arsobispo mula sa iba’t ibang bansa ay nakatakda naman sa kani-kanilang mga bansa ang ‘investiture of Pallium’ o opisyal na pagsusuot nito kung saan walang pang inilalabas na detalye ang Arkidiyosesis ng Caceres kung kailan ito magaganap sa arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 58,916 total reads

 58,916 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 107,958 total reads

 107,958 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 155,830 total reads

 155,830 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 259,777 total reads

 259,777 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 342,940 total reads

 342,940 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top