Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 10,642 total views

Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito ang nagpapatibay ng pananalig ng bawat isa sa Panginoon, at bilang mga kasapi ng sambayanan.

Ang panawagan ni Fr. Habal ay mula sa kanyang pagninilay sa Misa Mayor para sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo, at pagdiriwang sa Sampiro Fiesta 2024 ng Makati City.

“Kapag mayroon tayong pananampalataya, nagiging matibay tayo. Ang pundasyon ng simbahan ay hindi pundasyong bato o materyal na bagay. Ang pundasyon ng simbahan, ang pundasyon natin bilang sambayanan ay walang iba kung hindi ang pananampalatayang ipinahayag ni Pedro–ang pananampalataya kay hesukristo,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Habal.

Hiniling naman ng pari na ang mga tradisyon at debosyong isinasagawa sa parokya ay magbunsod upang higit pang mapatibay at mapalalim ang pananampalatayang Kristiyano.

Kabilang sa mga debosyong isinasagawa tuwing Sampiro Fiesta ay ang Panatang Sayaw o Baile de los Arcos na nagsimula pa noong 1796 bilang pananalangin at pagpaparangal sa tatlong patron ng Lungsod ng Makati na sina San Pedro at San Pablo, at ang Mahal na Virgen dela Rosa.

“Alam ko dito sa ating parokya marami tayong mga debosyon, tradisyon at kaugalian. Magaganda po ang lahat ng ito pero sana po ang lahat ng ito’y humantong sa pananampalataya…Ang lahat ng gagawin natin dito sa ating parokya sana’y magpatibay at magpalalim pa ng ating pananampalataya kay Hesukristo hanggang ang pananampalataya natin ay maging pundasyon ng ating buhay,” ayon kay Fr. Habal.

Matapos ang Misa Mayor ay isinagawa ang prusisyon ng mga imahen nina San Pedro at San Pablo, na sinundan naman ng tradisyunal na Panatang Sayaw.

Nitong, Hunyo 28, kasabay ng ikasiyam at huling Misa Nobenaryo para sa karangalan ng tatlong patron ay opisyal nang itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula si Fr. Habal bilang kura paroko ng parokya.

Makakatuwang ni Fr. Habal sa parokya bilang mga bikaryo paroko sina Fr. Ramon Merino at Fr. Adrian Albert David.

Magugunita noong nakaraang taon, kasabay rin ng kapistahan ng dalawang apostol, nang kilalanin ng National Museum of the Philippines ang Sts. Peter and Paul Parish bilang Important Cultural Property.

Nito namang ika-23 ng Hunyo, sa bisa ng Makati City Ordinance ay idineklara ng lungsod ang canonically crowned Virgen dela Rosa de Macati bilang patrona ng lungsod at cultural heritage treasure, at ang paglulunsad sa Rosas ng Sampiro Festival.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 3,579 total views

 3,579 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 20,166 total views

 20,166 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 21,536 total views

 21,536 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 29,277 total views

 29,277 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 34,781 total views

 34,781 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 573 total views

 573 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 2,472 total views

 2,472 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 6,879 total views

 6,879 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 8,958 total views

 8,958 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top