Pansamantalang pagpapahinto sa tree-cutting sa QUIRINO avenue, kinilala ng Kalikasan PNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,538 total reads

Kinilala at tinanggap ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pansamantalang pagpapahinto at pagsusuri sa tree-cutting operations sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila para sa Southern Access Link Expressway (SALEX) project na kaugnay ng San Miguel Corporation (SMC), kasunod ng malawakang protesta ng mga mamamayan at makakalikasang grupo.

Ayon kay Kalikasan PNE national coordinator Cathleen de Guzman, ang desisyon ay bunga ng sama-samang pagkilos at patuloy na pagbabantay ng mga komunidad, environmental defenders, at iba’t ibang laban sa patuloy na pagputol ng mga puno sa Metro Manila.

“Malinaw na bunga ito ng sama-samang pagkilos at pagbabantay ng mamamayan. Kung hindi nag-ingay at nagprotesta ang mga komunidad at organisasyon, tuloy-tuloy lamang ang pagputol ng mga puno,” pahayag ni de Guzman.

Gayunman, iginiit ng grupo na nagbubukas ito ng mas malalim na usapin ng pananagutan at pamamahala sa kalikasan.

Binatikos din ng Kalikasan PNE ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapahintulot sa proyekto sa kabila ng malawak at hindi na mababawing epekto nito sa kalikasan.

“Dapat managot at patuloy na singilin ang DENR. Hindi dapat nagsisilbing rubber stamp ang ahensya para sa mga proyektong pinapaboran ang malalaking korporasyon kapalit ng kalikasan at kapakanan ng mamamayan,” giit ni de Guzman.

Iginiit din ng grupo ang pananagutan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pinuna ang mga malalaking proyektong imprastraktura sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapipinsala sa kalikasan.

Binigyang-diin ng Kalikasan PNE na hindi dapat tumigil sa suspensyon ang usapin, lalo’t mahigit 200 puno na ang nawala dahil sa proyekto.

Inihayag din ng grupo na magsasampa sila ng kaso laban sa mga responsable sa mapaminsalang pagputol ng mga puno at sa kabiguan sa pamamahala sa kalikasan.

Sa huli, iginiit ng Kalikasan PNE na ang pangyayari ay patunay ng lakas ng kolektibong pagkilos ngunit nagpapakita rin ng sistemikong suliranin sa pangangalaga sa kalikasan sa bansa.

“Ang laban para sa kalikasan ay hindi natatapos sa isang suspensyon. Patuloy nating ipaglalaban ang tunay na pananagutan at makakalikasang kaunlaran para sa mamamayan,” saad ni de Guzman.

Binigyang-diin sa Laudato Si’ ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay moral na tungkulin na kaakibat ng katarungan, pananagutan, at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 19,037 total reads

 19,037 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 104,804 total reads

 104,804 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 142,176 total reads

 142,176 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 173,436 total reads

 173,436 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 245,416 total reads

 245,416 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,792 total reads

 77,792 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top