Dredging at offshore mining sa Lingayen Gulf, kinundena ng PPSE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,389 total reads

Mariing kinondena ng Pangasinan People’s Strike for the Environment (PPSE) ang nagpapatuloy na dredging at offshore mining operations sa Lingayen Gulf na pinangungunahan ng mga dayuhang mining corporations at malalaking negosyo.

Ito ay matapos maiulat ng mga mangingisda noong May 24, 2026 ang pagkakakita sa panibagong barkong pangmina sa paligid ng kanilang mga pook-pangisdaan sa Lingayen Gulf.

Ayon sa PPSE, lubhang naaapektuhan ng malawakang pagmimina sa karagatan ang kalikasan, kabuhayan ng maliliit na mangingisda, at seguridad sa pagkain ng mamamayan.

“Habang tuloy-tuloy ang malawakang extraction sa ating mga yamang mineral, kalikasan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda ang siyang lubos na naaapektuhan,” pahayag ng PPSE.

Sa inilabas na video ng isang mangingisda, makikitang hinahalukay ng dredging vessel ang ilalim ng dagat habang umaangat ang itim na buhangin at lumalabo ang tubig sa karagatan.

Iginiit ng PPSE na hindi simpleng paghuhukay ang nagaganap kundi malawakang offshore mining operations na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa yamang-dagat at mga baybaying komunidad sa loob ng maraming taon.

Ayon pa sa grupo, pinipinsala ng operasyon ang tirahan ng mga isda at iba pang lamang-dagat, ginagambala ang mga pook-pangisdaan, at nagdudulot ng polusyon, ingay, at panganib sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Binanggit din ng PPSE ang iba pang banta sa Lingayen Gulf kabilang ang Labrador Nuclear Power Plant at waste-to-energy incinerator project sa Dagupan na maaaring makadagdag sa pinsala sa kalikasan sa lalawigan.

“Habang patuloy na kumikita ang mga dayuhan at nasa kapangyarihan, ordinaryong mangingisda at mamamayan naman ang pinagkakaitan ng karapatan sa isang masaganang dagat sa ngalan ng pekeng pag-unlad na hindi nakaugat sa interes ng nakararami,” giit ng PPSE.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa mga lokal at pambansang ahensya ng pamahalaan na agarang ihinto ang offshore mining operations at papanagutin ang mga responsable sa mapaminsalang pagmimina sa karagatan.

Iginiit ng PPSE na ang sama-samang pagkilos ng mamamayan ay mahalaga upang mapangalagaan ang karagatan, kabuhayan, at likas na yaman laban sa dayuhang pandarambong at mapaminsalang proyekto.

“Dahil gaya na lamang ng matagumpay na paghinto ng pagpapatayo sa ikalawang Sual Coal Power Plant at pagmimina sa mga kabundukan ng Dupax Del Norte sa Nueva Vizcaya, walang imposible sa diwa ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa ating karapatan at kabuhayan.” ayon sa PPSE.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis na ang kalikasan ay hindi lamang pinagkukunan ng kita kundi isang biyayang dapat pangalagaan para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod na mga henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 21,733 total reads

 21,733 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 107,307 total reads

 107,307 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 144,679 total reads

 144,679 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 175,939 total reads

 175,939 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 247,811 total reads

 247,811 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,907 total reads

 77,907 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top