Mary is our mother, she is our Queen-Papal Nuncio sa pontifical coronation ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,412 total reads

Hinimok ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mananampalataya na higit pang magtiwala sa maka-inang pagkalinga ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang mensahe ng nuncio sa isinagawang Pontifical Coronation ng imahe ng Our Lady of Fatima sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City noong May 29.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang mahalagang papel ni Maria bilang ina at tagapagtanggol ng Simbahan laban sa mga kasamaan.

“Mary is our mother. She is our queen. She is the one who protects us against the dragon, against the serpent,” ayon kay Archbishop Brown.

Paliwanag ng nuncio na ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen ay tanda ng pagmamahal at debosyon ng mga mananampalataya sa Ina ng Diyos na patuloy na gumagabay at nag-aaruga sa kanyang mga anak.

“What is a pontifical coronation? It’s we, the children of Mary, giving her a sign of our love,” dagdag pa ng nuncio.

Samantala, ayon naman kay shrine rector at parish priest, Fr. Aristeo de Leon, inaasahang magbubunga ang makasaysayang pagkilala ng higit na paglago ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima hindi lamang sa North Caloocan kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Inaasahan na mas lalalim pa at mas mararamdaman ang pag-ibig at inspirasyon ng Mahal na Birhen ng Fatima, hindi lang dito sa Urduja, kundi sa buong Diocese of Novaliches, sa buong Pilipinas, at sa lahat ng nagmamahal kay Maria,” pahayag ni Fr. de Leon sa Radyo Veritas.

Ayon sa pari, ang pontifical coronation ay hindi lamang parangal sa Mahal na Birhen kundi paanyaya rin sa mga mananampalataya na higit na mailuklok si Hesus sa kanilang mga puso.

“Ito po ay isang karangalan na, sa pamamagitan ng pagkukuronang ito, ay makuronahan din ang kanyang Anak na si Jesus sa ating puso,” ani Fr. de Leon.

Ito na ang ika-63 na imahe na ginawaran ng pontifical coronation ng Vatican sa Pilipinas.

Katuwang ng nuncio sa pagdiriwang sina Novaliches Bishop Roberto Gaa, mga Bishop Emeritus na sina Bishop Antonio Tobias at Bishop Teodoro Bacani Jr., at mga pari ng diyosesis.

Matatandaang noong July 30, 2025, pormal na idineklara ng Caloocan City Council ang imahe ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Urduja bilang “Queen and Mother of North Caloocan,” bilang pagkilala sa malalim at matatag na debosyon ng mga mananampalataya sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 20,943 total reads

 20,943 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 106,578 total reads

 106,578 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 143,950 total reads

 143,950 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 175,210 total reads

 175,210 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 247,120 total reads

 247,120 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top