When Tolerated, Evils Become Systems, Bishop Alminaza sa Toboso 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,597 total reads

Nagbahagi ng pagninilay si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa ika-40 araw mula nang maganap ang insidente ng “Toboso 19” noong Abril 19, 2026.

Binigyang-diin ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace ang kahalagahan ng pag-alala, pananalangin, at pananagutan kaugnay sa naganap na trahedya.

Sa Pastoral Reflection ni Bishop Alminaza na pinamagatang “When Tolerated Evils Become Systems,” sinabi ng Obispo na may malalim na pastoral, kultural, at teolohikal na kahulugan ang ika-40 araw dahil ito ay panahon ng pagluluksa, pag-alala, pagsama sa mga yumao, at pagsusuri ng konsensya bilang sambayanan, ngunit nagsisilbi rin itong paanyaya ng pananagutan at pagbabagong-loob para sa mga nabubuhay.

“Today marks forty days since the tragedy now remembered as the Toboso 19. In our Filipino Christian tradition, the fortieth day is more than a marker of passing time. It is a sacred moment of remembrance, mourning, prayer, and reflection. We accompany the dead with love. We accompany grieving families with solidarity. But we also allow grief to question us… For forty days, many have waited for truth, healing, accountability, and assurance that such suffering will not simply disappear into public forgetfulness.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, higit na mapanganib kaysa sa pagkalimot ang unti-unting pagtanggap sa mga bagay na hindi dapat maging normal.

Pagbabahagi pa ni Bishop Alminaza inilantad ng naganap na Toboso 19 ang mas malalalim na suliranin sa lipunan kabilang ang kahirapan, kawalan ng seguridad sa lupa at kabuhayan, patuloy na karahasan, at kawalan ng tiwala sa mga institusyon.

Tinukoy rin ng Obispo ang epekto ng misinformation at digital polarization sa paghubog ng reaksyon ng publiko, gayundin ang unti-unting pagkalimot sa mga pagkamatay hanggang sa maging ordinaryong datos o tala na lamang ang mga ito.

“The danger before us is not only forgetting. The greater danger is normalization. It is the gradual acceptance of what should never become normal. This is what we have repeatedly called tolerated evil. The deaths of the Toboso 19 confront us with realities deeper than a single incident. They force us to look again at wounds that have long existed in our communities: poverty that excludes, insecurity over land and livelihood, violence that people slowly learn to live with, and institutions that struggle to earn public trust.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Tinukoy rin ni Bishop Alminaza ang epekto ng misinformation at digital polarization sa paghubog ng reaksyon ng publiko, gayundin ang unti-unting pagkalimot sa mga pagkamatay hanggang sa maging ordinaryong datos o tala na lamang ang mga ito na nagiging dahilan upang maituring na “disposable” ang buhay ng ilang tao.

Babala pa ni Bishop Alminaza, kapag paulit-ulit na nakararanas ng karahasan, gutom, displacement, at exclusion ang mga komunidad, nanganganib na mabuo ang tinatawag na “globalization of indifference” kung saan nagiging ordinaryo na lamang ang pagdurusa at kamatayan.

Ipinaliwanag din nito ang katuruan ng Simbahang Katolika hinggil sa “structures of sin” o mga sistemang nakaugat sa kasalanan na maaaring makita sa mga institusyon, polisiya, kultura, teknolohiya, at ekonomiya.

“When communities repeatedly experience violence, insecurity, displacement, hunger, or exclusion, society risks developing what Pope Francis once described as the globalization of indifference. Deaths become statistics. Suffering becomes ordinary. Fear becomes normal. Injustice becomes expected. This is how tolerated evils begin transforming into structures of sin.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang kapayapaan ay hindi lamang nangangahulugan ng kawalan ng armadong tunggalian sa halip ay nangangailangan ng katarungan, dignidad, at ng pagsasama ng buong komunidad.

“Peace cannot simply mean the absence of armed conflict. Peace requires justice. Peace requires dignity. Peace requires inclusion. As we often remind ourselves, there can be no peace without justice. There can be no justice without truth. There can be no truth without listening.” Bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Alminaza.

Iginiit din ni Bishop Alminaza na mahalaga ang katotohanan, pakikinig, at pananagutan upang magsimula ang paghilom ng mga sugat ng lipunan.

Binigyang-diin din ng Obispo na hindi maaaring manatiling tahimik o tagamasid lamang ang Simbahan sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan.

“The Church cannot remain merely an observer. We are called to become what we have repeatedly affirmed: a Church of the WE, a Church of encounter, a Church of conscience rather than comfort, a Church that enlarges the space of the tent, and a Church that refuses to normalize suffering.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 39,994 total reads

 39,994 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 77,679 total reads

 77,679 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 112,976 total reads

 112,976 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,246 total reads

 339,246 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,215 total reads

 230,215 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top