Cardinal Advincula, umaapela ng pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,147 total reads

Umapela ng pagkakaisa at kapayapaan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa gitna ng umiiral na pagkakahati-hati sa lipunan.

Ito ang panawagan ng kardinal sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa June 12 na kasabay ngayong taon ng paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Sa kanyang mensahe para sa Buwan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya, pamilya, parokya, paaralan, at mga komunidad na muling italaga ang kanilang sarili sa Puso ni Kristo.

Ayon kay Cardinal Advincula, nananatiling mahalagang sandigan ang pananampalataya sa panahon ng mga hamon at pagkakawatak-watak sa lipunan.

“In these times marked by uncertainty, conflict, and deep political divisions, we are called to return to the Heart of Jesus, the true source of peace, compassion, and unity,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagkakapatiran at paggalang sa kabila ng magkakaibang paniniwala at pananaw sa pulitika.

“We pray as well for our beloved country, that amid differences in political views and convictions, we may never lose our sense of fraternity, respect, and common responsibility for the good of the nation,” ani ng kardinal.

Hinimok rin ng arsobispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagpapakumbaba, pagpapatawad, at pagmamalasakit sa mga mahihirap, mga nagdurusa, at mga nakakaramdam ng pag-iisa at pagkalimot.

Nanawagan din si Cardinal Advincula ng panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo at para sa mga pinuno ng mga bansa upang manaig ang dayalogo at matigil ang karahasan.

Dalangin ng kardinal na nawa’y maghari ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus sa puso ng bawat tao, sa bawat tahanan, at sa buong bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 44,966 total reads

 44,966 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 82,480 total reads

 82,480 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 117,778 total reads

 117,778 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 344,048 total reads

 344,048 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 234,851 total reads

 234,851 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top