Renewable energy roadmap, panawagan ng REnew Mindoro sa LGU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,780 total reads

Nanawagan ang REnew Mindoro sa pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro na bumuo ng pangmatagalang renewable energy roadmap kasabay ng pagtugon sa lumalalang krisis sa enerhiya sa lalawigan.

Ang REnew Mindoro ay isang renewable energy campaign na suportado ng Simbahan na pinangungunahan ng Diocese of Calapan Social Action Center at ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

Suportado ng grupo ang hakbang ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor na tipunin ang mga pangunahing energy stakeholders upang tugunan ang patuloy na rotational brownouts sa lalawigan.

Ayon kay REnew Mindoro lead convener at Calapan DSAC Director, Fr. Edwin Gariguez, mahalaga ang agarang pagtugon ngunit kinakailangan ding maglatag ng pangmatagalang solusyon na nakatuon sa renewable energy.

“The steps outlined, like reviewing contracts, coordinating fuel supply, and calling for conservation, are necessary, and we fully support them. We now ask that the provincial government take the next and more lasting step: a concrete renewable energy roadmap for Oriental Mindoro,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Nauna nang inamin ng provincial government na maaaring magpatuloy hanggang Mayo at Hunyo ang rotational brownouts bunsod ng kakulangan sa suplay ng kuryente at pagdepende sa mamahaling emergency power supply agreements.

Sa isinagawang emergency dialogue noong May 18, 2026, iniulat ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na nasa 56.5 megawatts lamang ang dependable power supply kumpara sa mahigit 75 megawatts na peak demand na naitala noong May 11.

Iginiit ng REnew Mindoro na ipinapakita ng krisis ang kahinaan ng labis na pagdepende sa hydroelectric power nang walang pinagsamang renewable energy sources tulad ng solar, wind, at hydro power.

“When a province depends heavily on hydro alone, a dry season becomes a crisis,” ayon sa grupo.

Ibinahagi rin ng REnew Mindoro na lumalakas ang suporta ng mga pamayanan sa renewable energy matapos lumagda ang pitong parokya ng Diocese of Calapan sa solar energy contracts na may kabuuang 200 kilowatt-peak sa isinagawang REnew Mindoro Investment Summit noong April 30.

Patunay ito, ayon kay Fr. Gariguez, na handa ang mga parokya, kooperatiba, mangingisda, magsasaka, at mga katutubong komunidad na itaguyod ang malinis at sustenableng enerhiya bilang pangmatagalang solusyon sa krisis sa kuryente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 125,684 total reads

 125,683 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 157,413 total reads

 157,413 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 259,241 total reads

 259,240 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 299,798 total reads

 299,797 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 315,086 total reads

 315,086 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,545 total reads

 139,545 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top