24,484 total views
Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”.
Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples for Christ’s laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa bansa.
“The Super Coalition Against Divorce (SCAD) firmly asserts that the anti-divorce campaign led by faith-based groups is rooted in truth and not in any way a “religious hypocrisy,” as claimed by Congressman Edzel Lagman, the main proponent of the divorce bill in the House of Representatives.” Bahagi ng pahayag ng SCAD.
Ayon sa SCAD, nakabatay sa katotohanan partikular na sa “Divine Law” at sacrament of matrimony ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo na tahasang masasantabi sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya sa bansa.
Binigyang diin din ng SCAD ang pagkilala at pagpapahalaga ng estado sa kasagraduhan ng matrimonyo na nasasaad sa mismong Pambansang Konstitusyon ng Pilipinas – Section 12 of Article II ng 1987 Constitution na kumikilala at nagtatakda ng paninindigan ng estado sa pagbibigay proteksyon sa kasaraduhan ng pamilya bilang sandigan ng isang matatag na lipunan.
“The Super Coalition Against Divorce emphasizes that their campaign and for others who opposes the divorce measure were driven by a sincere belief in the sanctity of marriage as a “Divine Law” which God Himself promulgated and on what the Philippine Constitution enshrined the “Human Law” on marriage and the sanctity of family life and on the inviolability of marriage.” Dagdag pa ng SCAD.
Giit ng kowalisyon, hindi tunay na masusolusyunan ng panukalang absolute divorce bill ang mga kaso ng pang-aabuso o karahasan sa pamilya sa halip ay magdudulot lamang ito ng mas madaming mga asawa at anak na biktima ng mga mapang-abusong kabiyak sa buhay dahil sa maaring muling magpakasal ang sinuman matapos na makipagdiborsyo.
Kabilang sa tututukan ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang lobbying o pakikipag-dayalogo sa pagitan ng mga Senador upang pigilan ang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas matapos na tuluyang ipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill noong ika-22 ng Mayo, 2024.
Una na ring binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi kailanman mababago ang posisyon ng Simbahan laban sa patuloy na isinusulong na pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.