Pagpapabuti ng kalagayan ng guro, mag-aaral dapat tutukan ni DepEd Sec. Angara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,551 total reads

Nais ng grupo ng mga guro na unahing tutukan ng bagong talagang kalihim ng Department of Education ang kalagayang pangkabuhayan ng mga guro sa buong bansa.

Ayon kay Teachers Dignity Coalition, nawa ay bigyang tuon ni incoming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ang umento sa sahod at benepisyo ng mga guro.

Sinabi pa ni Basas sa panayam ng Radyo Veritas, isa si Angara bilang mambabatas na nagsulong ng karagdagang sahod para sa mga guro, kaya’t muling hinikayat ang kalihim na suportahan ang kahilingan ng sektor ng edukasyon.

Ayon pa kay Basas, bukod sa mga guro ay dapat ding unahin ni Angara ang pagsasaayos ng kalagayan ng mga mag-aaral, katulad na ang pagkakaroon ng mga karagdagang silid aralan sa mga paaralan.

“Dalawang bagay po talaga, ang aming gustong bigyan ng pansin ng ating secretary yung kalagayan ng ating mga teacher at itong kalagayan ng ating mga estudyante.Tama naman po kayo na kahit na sabihin nating yang mga teacher natin na nasa maayos na kalagayan, mataas ang sweldo, mataas ang moral…Pero siyempre kung mga bata naman natin ay hindi nakakain, walang mga libro, walang mga facilities na kailangan sa mga eskwelahan, siksikan sa classroom. Hindi rin po ito mag bi-build ng magandang resulta kaya dalawa po talaga, teachers at mga bata,” ayon kay Basas sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat din ng opisyal ang bagong kalihim sa muling pagsusuri at pag-aaral ng curriculum na maiakma sa kultura ng bansa, at hindi sa kultura ng mga banyaga.

“Ang sinasabi po natin diyan dapat we have to revisit the curriculum and we have to revised the curriculum to make it more, kumbaga aligned with our socio -cultural context dito sa PIlipinas, kasi ang problema natin ay lahat ng ginawa nating amendment o revision sa ating curriculum ay naka-pattern doon sa ibang mga bansa sa Australia, US or wherever,” ayon pa kay Basas.

Sa kasalukuyan ang buwanang sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa ay nasa P29,000 kada buwan.

Naitala naman sa higit 847 libo ang bilang ng mga guro na nangangasiwa sa 28.7 milyong mga mag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 80,586 total reads

 80,586 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 144,426 total reads

 144,426 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 235,196 total reads

 235,196 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 318,226 total reads

 318,226 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 409,047 total reads

 409,047 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top