Arancel system, inalis ng Diocese of Talibon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,426 total reads

Ibinahagi ng Diocese of Talibon ang pag-alis ng kanilang arancel system upang matiyak na hindi magiging hadlang ang kahirapan sa pagtanggap ng mga mananampalataya sa mga sakramento ng Simbahan.

Ayon kay Bishop Patrick Daniel Parcon, ito ay bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng misyon ng simbahan, kabilang na ang pagpapatupad ng bagong sistema ng pananalapi sa diyosesis.

“We are abolishing the price tags for every sacrament in this diocese,” pahayag ni Bishop Parcon sa Radyo Veritas.

Sa pagtatapos ng First Diocesan Synod ng diyosesis, tiniyak ng obispo na higit na mapaglilingkuran ang mga mananampalataya, lalo na ang mga mahihirap at mga sektor na madalas na isinasantabi ng lipunan.

Giit ni Bishop Parcon na ang pagtanggal ng arancel o karampatang halaga sa mga sakramento ay malaking tulong para sa mga mananampalataya.

“There are so many poor people who cannot avail themselves of the sacraments because of the price tags attached to them. We are abolishing the price tags for every sacrament in this diocese, and it’s a very positive development that we are having because the people are so happy, especially the poor,” dagdag pa ni Bishop Parcon.

Ginanap ang kauna-unahang Diocesan Synod ng diyosesis sa Talibon Cathedral mula October 19 hanggang 23 na dinaluhan ng 220 delegado na mga pari, madre, relihiyoso, at mga layko.

Binigyang-diin ng obispo na ang pag-aalis ng arancel sa mga sakramento ay bahagi ng mas malawak na pagsusulong ng isang Simbahang nakikinig sa pangangailangan ng mga mahihirap at tinitiyak na walang sinumang maiiwan.

“Nobody should be left behind. That is the spirit of the synod,” aniya.

Iginiit ni Bishop Parcon na kailangang maisalin sa konkretong pagkilos ang mga napag-usapan sa limang araw na sinodo at hindi lamang manatili sa mga rekomendasyon.

Sa kanyang homiliya sa concluding mass sa Talibon Cathedral, hinamon ng obispo ang mga delegado at mananampalataya na tiyaking maisasakatuparan ang mga napagkasunduan.

“Our synod cannot be another beautiful document that stays in a drawer. We must settle it on the way. Today, commit now,” ani Bishop Parcon.

Kabilang sa mga pangunahing pastoral na direksiyon ng diyosesis ang pagpapalakas ng Basic Ecclesial Communities (BECs), pagpapalawak ng pakikilahok ng mga layko, at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mahihirap.

Binigyang-diin din ng obispo ang pangangailangang lumipat mula sa clericalism tungo sa pagtutulungan ng mga pari at layko, at mula sa mga programang nakatuon lamang sa mga gawain tungo sa mas malalim na paggabay at pakikisama sa mga mananampalataya.

“It is time to move from maintenance to mission, from clericalism to collaboration, and from programs to accompaniment,” aniya.

Dagdag pa ng obispo, batay sa mga talakayan at bunga ng mga pagninilay ng sinodo, nais ng mga layko na magkaroon ng mas makabuluhang papel sa misyon ng Simbahan.

“We read that our lay faithful no longer want to be just volunteers. They want to be co-responsible disciples, collaborators in our mission,” ani Bishop Parcon.

Umaasa ang obispo na maisasabuhay ng buong diyosesis ang mga bunga ng sinodo sa pamamagitan ng isang Simbahang nakikinig, nakikiisa at kumikilos upang tugunan ang mga pangangailangan ng sambayanan, lalo na ng mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

Ginanap ang unang diocesan synod kasabay ng pagdiriwang ng diyosesis sa ika-40 anibersaryo ng pagkatatag ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,414 total reads

 48,414 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,780 total reads

 133,780 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,515 total reads

 180,515 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,387 total reads

 228,387 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,040 total reads

 330,040 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top