Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

SHARE THE TRUTH

 13,963 total views

Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area.

Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga pinsalang dulot ng tao.

“Join local rangers in calling on President [Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.] to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” ayon kay DiCaprio.

Nababahala ang aktor dahil ang tagumpay na nasimulan upang mapangalagaan ang Masungi Geopark ay nanganganib dahil sa banta ng Department of Environment and Natural Resources na bawiin ang kasunduan na nagbibigay proteksyon laban sa mga nangangamkam ng lupa.

Matatagpuan sa lalawigan ng Rizal, ang Masungi Geopark Project na may lawak na 2,700 ektarya ay isang award-winning conservation initiative na naglalayong ibalik ang isang mahalagang bahagi ng Upper Marikina Watershed.

Gayunman, nanganganib ito dahil sa pahayag ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na binabalak kanselahin ang 2017 Memorandum of Agreement sa pagitan ng Masungi Georeserve Foundation at ng DENR.

“This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” saad ni DiCaprio.

Pinarangalan ang Masungi Georeserve sa 2024 World Economic Forum sa Davos, Switzerland, at iginawad din ang 2022 United Nations Sustainable Development Goals Action Campaign Inspire Awards dahil sa natatanging pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan.

Una nang nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines sa Masungi Georeserve Foundation, at nanawagan sa pamahalaan na magkaroon ng maayos na pakikipag-diyalogo para baguhin ang desisyon sa pagbawi sa kasunduan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 448 total views

 448 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,268 total views

 15,268 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,788 total views

 32,788 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,361 total views

 86,361 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,598 total views

 103,598 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,551 total views

 22,551 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top