Tema ng 2026 world day of prayer for the care of creation, inilabas ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,506 total reads

Inanunsyo ng Vatican ang tema para sa 2026 World Day of Prayer for the Care of Creation na nakatuon sa panawagan para sa kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan.

Pinili ni Pope Leo XIV ang temang “They shall beat their swords into plowshares and their spears into pruning hooks,” na hango sa aklat ni Propeta Isaias para sa pagdiriwang sa September 1, 2026.

Ayon sa Dicastery for Promoting Integral Human Development, binibigyang-diin ng mensahe ng Santo Papa ang ugnayan ng digmaan at pagkasira ng kalikasan na nagsisilbing pangmatagalang banta sa buhay ng daan-daang milyong katao sa buong mundo.

“Such degradation constitutes both a serious violation of our duty to care for creation, as well as a long-term threat to the lives of hundreds of millions of people,” ayon sa dicastery.

Iginiit ng Vatican na sa kabila ng lumalawak na kamalayan hinggil sa epekto ng digmaan sa mga likas na yaman, nananatiling kulang ang mga institusyon at responsableng hakbang upang maiwasan ang mga sigalot at malutas ang mga alitan sa mapayapang paraan.

Dagdag pa ng pahayag, ang napiling tema ay nagsisilbing paanyaya upang unahin ang pag-unlad, kapayapaan, at pagpapanatili ng kalikasan sa halip na karahasan at pagkasira.

“The title — a passage in which Isaiah prophesies the transformation of weapons into agricultural tools — is an explicit invitation to prioritize development and sustainability over violence and destruction.

Ang World Day of Prayer for the Care of Creation ay taunang ginugunita tuwing September 1 bilang pagkakataon upang pagnilayan ng mga mananampalataya ang kanilang pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng katarungang pangkapaligiran.

Hudyat din ito para sa pagdiriwang ng Season of Creation sa buong mundo sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4, ang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,557 total reads

 11,557 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,777 total reads

 239,777 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,243 total reads

 133,243 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,272 total reads

 227,272 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,051 total reads

 271,051 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,105 total reads

 149,105 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top