Ordinasyon ng bagong Obispo ng Diocese of Urdaneta, itinakda sa July 21, 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,470 total reads

Ibinahagi ni Urdaneta Administrator Bishop Emeritus Jacinto Jose na nakatakdang ordinahan bilang bagong obispo ng Diocese of Urdaneta si Bishop-elect Nick Argel Vaquilar sa July 21, alas-9 ng umaga, sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Charity at Parish of Saint Augustine of Hippo sa Bantay, Ilocos Sur.

Ayon kay Bishop Jose, pangungunahan ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang episcopal ordination bilang principal consecrator, katuwang sina Bishop Jose at Nueva Segovia Archbishop Emeritus Marlo Peralta bilang mga co-consecrator.

Magbibigay naman ng homiliya sa pagdiriwang si Nueva Segovia Archbishop David William Antonio.

Sinabi rin ni Bishop Jose na isasagawa ang canonical installation ni Bishop-elect Vaquilar bilang obispo ng Urdaneta sa July
28.

Tubong Cabugao, Ilocos Sur si Bishop-elect Vaquilar. Nagtapos siya ng philosophy sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City at theology sa Immaculate Conception School of Theology sa Vigan City.

Inordinahan siyang pari noong May 5, 1997 at unang naglingkod sa mga parokya bago naging bahagi ng faculty ng Immaculate Conception School of Theology, ang regional seminary ng Northern Luzon.

Mula 2001 hanggang 2004, nagtapos siya ng licentiate sa biblical theology sa Roma.

Pagbalik sa bansa, muling nagturo si Bishop-elect Vaquilar sa ICST noong 2006 at nagsilbing procurator na nangasiwa sa paghubog at kapakanan ng mga seminarista.

Kabilang din sa kanyang mga naging tungkulin ang pagiging vice rector ng seminaryo at pangulo ng Priests’ Assembly ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Noong 2016, nagtamo siya ng doctorate in sacred theology na nakatuon sa biblical theology mula sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University.

Bago italaga ni Pope Leo XIV bilang obispo ng Urdaneta, nagsilbi si Bishop-elect Vaquilar bilang rector ng Immaculate Conception School of Theology at pinamunuan ang Commission on Biblical Apostolate at Commission on Seminaries ng Archdiocese of Nueva Segovia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,079 total reads

 33,079 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 83,777 total reads

 83,777 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 131,648 total reads

 131,648 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 235,596 total reads

 235,596 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,014 total reads

 320,014 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top