Get back to work, panawagan ni PBBM sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,682 total reads

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado na agad bumalik sa sesyon at ipagpatuloy ang paggawa ng batas.

“Get back to work. Because it’s important — ang dami nating kailangang gawin,” giit ng Pangulong Marcos Jr.

Ito ang panawagan ng Pangulong Marcos Jr. kasabay ng paggiit na maraming mahahalagang panukala ang kailangang agarang tugunan sa gitna ng umiiral na krisis sa langis at pangangailangan ng publiko.

Ayon sa Pangulo, sa mga naging pagpupulong ng economic at legislative teams ng pamahalaan, kabilang sa tinalakay ang posibleng supplemental budget at ilang pag-amyenda sa mga umiiral na batas, mahalaga ang tuloy-tuloy na sesyon ng Kongreso upang mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga mamamayan.

Kinuwestyon din niya ang pagkakakansela ng ilang sesyon ng Senado, at iginiit na dapat may malinaw at matibay na dahilan, pati na maagang abiso, bago ito gawin alinsunod sa umiiral na proseso ng lehislatura.

“The best description I can have is that the legislature is now in disarray,” ayon sa Pangulong Marcos Jr.

Giit pa ng Pangulo, hindi aniya dapat nauuwi sa pagkaantala ng trabaho ang mga isyung administratibo, lalo’t nakasalalay dito ang pagpasa ng mga batas na direktang makakaapekto sa ekonomiya at serbisyo publiko.

Binigyang-diin din niya na habang patuloy na gumagana ang ehekutibo at hudikatura, dapat ay ganap ding gumagalaw ang lehislatura upang mapanatili ang balanse ng pamahalaan at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa taumbayan.

“I never imagined in my entire life — my entire political life — that such a thing could happen, especially to the august — it’s not longer august now — but to the august body of the Upper House, the Senate and the Philippines,” ayon sa pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, ang anumang pagkakaantala sa paggawa ng batas ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng gobyerno na tumugon sa mga agarang pangangailangan ng publiko, lalo na sa panahon ng krisis.

Sa huli, iginiit ni Pangulong Marcos na ang pangunahing tungkulin ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay maghatid ng katatagan at agarang aksyon para sa kapakanan ng mamamayan, at dapat aniyang manatiling bukas at aktibo ang Kongreso sa pagtupad ng kanilang mandato.

Ang pahayag ng Pangulo ay kaugnay na rin ng hindi pagpasok ng mga miyembro ng mayorya ng senado sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano, makaraan ang pag-aresto kay Sen. Jinggoy Estrada sa kasong plunder.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 208,148 total reads

 208,148 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 242,821 total reads

 242,821 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 258,721 total reads

 258,721 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 295,210 total reads

 295,210 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 301,431 total reads

 301,431 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top