Bilang ng mga paring Katoliko sa buong mundo, muling tumaas matapos ang limang taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,197 total reads

Muling tumaas ang bilang ng mga paring Katoliko sa buong mundo makaraan ang limang taon, batay sa pinakahuling ulat ng Vatican news agency na Fides, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-100 World Mission Sunday ngayong October 18.

Ayon sa report, umabot sa 407,421 ang bilang ng mga pari sa buong mundo noong Disyembre 31, 2024, mas mataas ng 425 kumpara sa nakaraang taon.

Pinakamalaki ang naitalang pagdami sa Africa na may karagdagang 1,676 pari, sinundan ng Asia na may 1,065. Muli ring nagtala ng pagtaas ng bilang sa Americas na may 199 na dagdag na pari.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga pari sa Europe nang 2,483, habang 32 naman ang ibinawas sa Oceania.

Sa kabila ng pagdami ng mga pari, tumaas din ang bilang ng mga Katolikong umaasa sa bawat pari, na umabot sa average na 3,491. Ipinapakita nito ang patuloy na pangangailangan sa mga lingkod ng Simbahan habang dumarami ang mga mananampalataya.

Batay rin sa ulat, umabot sa mahigit 1.422 bilyon ang bilang ng mga Katoliko sa buong mundo noong kalagitnaan ng 2024, katumbas ng 17.8 porsiyento ng populasyon ng daigdig. Pinakamalaki ang pagdami ng mga Katoliko sa Africa, na sinundan ng Americas.

Gayunman, patuloy namang bumababa ang bilang ng mga seminarista o mga naghahanda sa pagpapari.

Sa tala, umabot lamang sa 103,604 ang major seminarians sa buong mundo, mas mababa nang 2,891 kumpara sa naunang tala.

Ang Africa lamang ang kontinente na nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga major seminarians, habang pinakamalaki ang ibinaba sa Asia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 165,494 total reads

 165,494 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 237,414 total reads

 237,414 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 270,860 total reads

 270,860 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 306,158 total reads

 306,158 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 526,186 total reads

 526,186 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top