ASA Philippines, target ang isang milyong puno bago matapos ang 2027

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 893 total reads

Nagtanim ng mga katutubong punongkahoy at mga punong namumunga ang ASA Philippines Foundation at ASA Philippines Employees Credit Cooperative sa kabundukan ng Sitio Sapa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal, bilang bahagi ng kanilang layuning makapagtanim ng isang milyong puno bago matapos ang 2027.

Mahigit 250 volunteer mula sa dalawang organisasyon, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Rizal, ang lumahok sa ikalawang pagdaraos ng Puno ng Pag-ASA Tree Planting Activity ngayong umaga.

Ayon kay Jed Africa, Head of Strategy and Sustainability ng ASA Philippines Foundation, layunin ng programa na palakasin ang pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan at makatulong sa pagkamit ng net-zero emissions ng organisasyon.

Kabilang sa mga itinanim ang mga punla ng langka, kasoy at iba pang mga punong namumunga.

Binigyang-diin ni Africa na mahalagang pangalagaan ang kalikasan, lalo na’t ang mahihirap at bulnerableng sektor ang kabilang sa higit na naaapektuhan ng climate change. Kabilang dito ang mga ina na kliyente ng foundation, pati ang kanilang mga pamilya at komunidad.

Ayon naman kay Leyla Kabanganan ng Internal Audit Department ng ASA Philippines Foundation, mahalagang mamuhunan sa mga programang pangkalikasan para sa kapakanan ng mga pamayanan at ng susunod na henerasyon.

“Malaking tulong sa ating kalikasan ang pagtatanim ng puno dahil nakatutulong ito sa pagpigil sa pagbaha at iba pang mga sakunang may kaugnayan dito. Kaya hinihikayat natin ang iba pang mga grupo na magsagawa rin ng mga tree planting activity sa ating mga kabundukan,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Cruz.

Umaasa siyang mas marami pang katulad na aktibidad ang maisasagawa ng foundation at ng kanilang kooperatiba upang mapalawak ang kanilang ambag sa pangangalaga sa kapaligiran.

Hinikayat naman ni Jennifer Cruz, Forest Technician II ng DENR-Provincial Environment and Natural Resources Office sa Rizal, ang iba pang organisasyon na magsagawa ng mga tree planting activity sa mga kabundukan bilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan at pagbabawas ng panganib ng pagbaha.

Ayon kay Cruz, bukas ang DENR sa pakikipagtulungan sa mga grupong nais magsagawa ng mga programang pangkalikasan. Maaaring makipag-ugnayan ang mga ito sa tanggapan ng DENR-PENRO Rizal sa Taytay upang maisakatuparan ang mga katulad na inisyatiba.

Kaugnay ito ng panawagan ng yumaong si Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ na pangalagaan ang ating iisang tahanan. Binibigyang-diin nito ang pananagutan ng bawat isa na protektahan ang kalikasan at ang mga nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.

Katuwang din ng Radyo Veritas 846 ang ASA Philippines Foundation sa pagsusulong ng mga programang naglalayong magbigay ng pangmatagalang kabuhayan at makatulong sa mahihirap.

Sa pamamagitan ng Puno ng Pag-ASA, layon ng mga organisasyon na palawakin ang pakikilahok ng mga boluntaryo at komunidad sa pangangalaga sa likas na yaman at pagtataguyod ng mas luntiang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 159,809 total reads

 159,809 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 232,152 total reads

 232,152 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 265,599 total reads

 265,599 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 300,897 total reads

 300,897 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 521,132 total reads

 521,132 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top