Pag-IBIG Fund, palalawakin ang pagpipiliang condominium units para sa mga miyembro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,143 total reads

Pinalalawak ng Pag-IBIG Fund ang pagpipilian ng mga condominium unit na maaaring bilhin ng mga kwalipikadong miyembro sa pamamagitan ng abot-kayang housing loan, kasunod ng pakikipagkasundo nito sa property developer na DMCI Homes.

Sa ilalim ng partnership, maglalaan ang DMCI Homes ng mga piling residential unit, kabilang ang mga ready-for-occupancy o maaari nang tirhan, na maaaring ialok sa mga miyembro sa mas paborableng presyo at may iba pang insentibo.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, inaasahang aabot sa 3,990 condominium unit ang maaaring ialok sa mga miyembro kapag nakumpleto na ang kinakailangang akreditasyon ng mga proyekto.

Maaari ring makinabang ang mga kwalipikadong miyembro sa housing loan promotional rates na 4.5 at 5.75 porsiyento kada taon, upang mas mapalapit sila sa pagkakaroon ng sariling tahanang pasok sa kanilang pangangailangan at kakayahang pinansiyal.

Kabilang sa mga proyektong unang na-accredit ang Anissa Heights sa Pasay City. Isinasailalim naman sa akreditasyon ang iba pang proyekto sa Metro Manila, Bacoor City at Davao City.

Bahagi ang kasunduan ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program ng administrasyong Marcos, na naglalayong palawakin ang access ng mga Pilipino sa disente at abot-kayang pabahay.

Kaugnay nito, binibigyang-diin ng panlipunang aral ng Simbahang Katolika, kabilang ang ensiklikal na Rerum Novarum ni Pope Leo XIII, ang kahalagahan ng makatarungang kalagayan sa pamumuhay at pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa at kanilang pamilya.

Samantala, inaanyayahan ang mga interesadong homebuyer na dumalo sa 2nd National Housing Expo sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City ngayong Oktubre 19 hanggang 20. Mahigit 80 developer ang inaasahang mag-aalok ng iba’t ibang opsiyon sa pabahay at tulong sa pag-aaplay para sa Pag-IBIG Housing Loan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 165,585 total reads

 165,585 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 237,502 total reads

 237,501 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 270,947 total reads

 270,947 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 306,245 total reads

 306,245 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 526,271 total reads

 526,271 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top