Simbahan, nanawagan ng paggalang sa dignidad at pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,040 total reads

Hinimok ng Simbahang Katolika ang publiko na igalang ang dignidad ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at bigyan sila ng pagkakataong magbagong-buhay at makabalik sa lipunan.

Sa paglulunsad ng ika-39 na Prison Awareness Week ng Simbahan, binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, na hindi nawawala ang dignidad ng mga bilanggo sa kabila ng kanilang mga pagkakamali.

Ayon kay Bishop Florencio, tungkulin ng Simbahan na samahan ang mga PDL, iparamdam na hindi sila nag-iisa at tulungan silang magbago upang maiwasan ang muling paglabag sa batas.

“Hindi po nawawala ang kanilang dignidad, kaya dapat kaisa natin sila at ipadama nating hindi sila nag-iisa. Obligasyon natin bilang Simbahan na samahan at tulungan ang ating mga kapatid na nasa bilangguan. Magtulungan tayo upang matulungan silang magbago at makapagbigay rin ng mga hakbang upang maiwasan ang paggawa ng mga maling gawain,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio.

Samantala, hinikayat ni Bro. Gerry Bernabe, executive assistant to the executive secretary ng CBCP-ECPPC, ang publiko na unawain at tanggapin ang mga PDL, lalo na sa kanilang pagbabalik sa malayang lipunan.

Binigyang-diin niya na mahalaga ang suporta ng komunidad upang magkaroon sila ng pagkakataong magsimulang muli at maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

Hinimok din ni Bernabe ang publiko na dalawin ang mga pasilidad ng bilangguan upang higit na maunawaan ang kalagayan ng mga PDL at ang mga programang tumutulong sa kanilang repormasyon.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paglulunsad ng Prison Awareness Week sa Good Shepherd Chapel ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Intramuros, Maynila.

May temang Healing and Transformation in the Correctional Community: Witnessed to by a Synodal Church Touched by God, layunin ng taunang paggunita na palawakin ang kamalayan ng publiko sa kalagayan ng mga bilanggo at itaguyod ang kanilang dignidad, pagbabago at muling pakikibahagi sa lipunan.

Kaugnay nito ang panawagan ng ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis na pairalin ang kapatiran, pakikiisa at paggalang sa dignidad ng bawat tao, kabilang ang mga nasa laylayan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 165,560 total reads

 165,560 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 237,478 total reads

 237,478 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 270,924 total reads

 270,924 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 306,222 total reads

 306,222 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 526,249 total reads

 526,249 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top