Charismatic communities at BECs, hinimok na magkaisa sa misyon ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,564 total reads

Nanawagan ang national spiritual director ng CHARIS Philippines na wakasan ang kompetisyon at pagkakahati sa pagitan ng mga charismatic communities at Basic Ecclesial Communities (BECs), at sa halip ay pagtibayin ang pagtutulungan para sa iisang misyon ng Simbahan.

Ayon kay Fr. Bartolome Pastor, hindi dapat ituring na magkatunggaling pagpipilian ang pagiging kasapi ng charismatic prayer group at BEC, lalo na sa mga pagkakataong nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at kompetisyon sa pag-akay ng mga kasapi.

“You can be a member of both a charismatic prayer group and a BEC, working together for the good of the local parish,” ayon kay Fr. Pastor.

Sa kanyang talakayan na “Peter Speaks: The Spirituality of Pentecost” sa 2nd National Spiritual Direction Conference ng CHARIS Philippines sa One Tectona, Liloan, Cebu, ipinaliwanag ng pari na ang BEC, synodality, at spirituality of Pentecost ay hindi magkakahiwalay o magkakatunggaling realidad, kundi magkakaugnay na bahagi ng buhay at misyon ng Simbahan.

“The BEC is the body, synodality is the transmission, and the spirituality of Pentecost is the engine,” paliwanag ng pari.

Ayon kay Fr. Pastor, mahalagang maunawaan ito ng mga pastoral worker upang maiwasan ang kompetisyon sa halip ay magbuklod sa paglilingkod sa mga pamayanang Katoliko.

Binigyang-diin ni Fr. Pastor na hindi lamang para sa mga kasapi ng Catholic Charismatic Renewal ang binyag sa Espiritu Santo at ang mga kaloob na karismatiko, kundi ito ay kaloob para sa buong Simbahan.

“Baptism in the Holy Spirit and the manifestations of charismatic gifts are not optional graces linked only to the Charismatic Renewal. Rather, they are integral to Christian life and are meant for the whole Church,” aniya.

Paliwanag ng pari na dapat magbunga ang spirituality of Pentecost ng mas malalim na pananalangin, kabanalan, pagkakaisa, pagpapahayag ng Mabuting Balita, at paglilingkod sa mga mahihirap at nangangailangan.

Aniya, ang pagkakaisa ng mga komunidad ay dapat humantong sa sama-samang pagkilos para sa misyon ng Simbahan, sa halip na mauwi sa kompetisyon sa loob ng mga parokya.

“We must ensure that this Spirit is not extinguished but, rather, fanned into flame,” aniya, kasabay ng panawagang patuloy na pag-alabin ang kaloob ng Espiritu Santo upang maging buhay na saksi ni Kristo ang mga mananampalataya.

Dumalo sa pagtitipon na magtatapos sa October 21 ang 146 na delegado, na binubuo ng mga obispo, pari, at lay leaders mula sa iba’t ibang diyosesis at mga charismatic group sa bansa.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,447 total reads

 21,447 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,944 total reads

 45,944 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,447 total reads

 116,447 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,961 total reads

 202,961 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,985 total reads

 245,985 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,889 total reads

 293,889 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top