DENR, binatikos sa suspension order sa pagputol ng mga puno sa skyway project ng SMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,442 total reads

Mariing tinutulan ng Renacimiento Manila ang pansamantalang pagsuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagputol ng mga puno para sa mga nakaplanong skyway project ng San Miguel Corporation (SMC).

Iginiit ng grupo na hindi nito tinutugunan ang pinagmumulan ng suliranin at hindi katumbas ng tuluyang pagkansela ng mga proyekto.

Ayon sa Renacimiento Manila, ang anunsyo ng DENR hinggil sa “temporary suspension” ng tree-cutting activities at paglilipat ng ilang puno mula Quirino Avenue ay hindi tumutugon sa lumalakas na pagtutol ng publiko sa mga proyektong Southern Access Link Expressway (SALEX), Northern Access Link Expressway (NALEX), Pasig River Expressway (PAREX), at iba pang elevated road projects sa Metro Manila.

“We do not need more skyways. Skyways are not ‘green.’ They are massive concrete heat sinks that turn communities into urban blight. No number of replacement seedlings can compensate for the destruction of decades-old trees and the irreversible damage these projects will inflict upon Manila’s already fragile environment,” pahayag ng Renacimiento Manila.

Binigyang-diin ng grupo na nanganganib na maapektuhan ng mga proyekto ang mga nalalabing luntiang espasyo, pamanang pook, daluyan ng tubig, at mga komunidad sa Maynila kabilang ang Roxas Boulevard, Pasig River, Ermita, Malate, at Intramuros.

Iginiit din nito na hindi sapat para sa kanila ang pansamantalang pagsuspinde ng DENR dahil nauna nang sinabi ng SMC na muling pag-aaralan ang PAREX ngunit kalaunan ay ipinagpatuloy pa rin ang proyekto na may kaunting pagbabago lamang.

“No amount of cosmetic revisions or ‘green’ branding can change the fact that these projects will destroy trees, damage communities, worsen heat, and make Manila even less livable,” dagdag pa ng grupo.

Kaugnay nito, nagsagawa noong Mayo 31 ang Renacimiento Manila, kasama ang Angat Kalikasan Pilipinas, at Panatang Luntian, ng “Lakad Kalikasan,” isang protest heritage walk sa Malate bilang pagtutol sa pagputol ng mga puno sa Quirino Avenue at sa mga nakatakdang skyway projects ng SMC.

Dinaluhan ng humigit-kumulang 70 kalahok at mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon ang gawain na nagsimula sa dating Quirino Rotonda at nagtapos sa Plaza Rajah Sulayman, habang tinalakay ang kasaysayan, pamanang kultura, at mga suliraning pangkapaligiran sa lugar.

“Our fight for Manila’s future continues. We envision a city where heritage, culture, sustainability, and people-centered development go hand in hand—not a concrete hellscape shaped solely by the interests of corporations and useless bureaucrats,” ayon sa grupo.

Nanawagan ang Renacimiento Manila sa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya na tuluyan nang isantabi ang mga skyway project at panagutin ang mga responsable sa pagpaplano at pag-apruba ng mga ito.

Nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay moral na tungkulin na kaakibat ng katarungan, pananagutan, at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,088 total reads

 38,088 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,485 total reads

 88,485 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,356 total reads

 136,356 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,304 total reads

 240,304 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,445 total reads

 324,445 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,123 total reads

 166,123 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top